HINDI UMIIMIK si Camila habang inaasikaso si Ernie. Masama pa rin ang loob niya dito at gusto niya iyong iparamdam sa lalaki. "Busog na ako," anito. Tinignan niya naman ito ng masama. "Akala mo lang 'yon. Gutom ka pa, Ernie. Oh, subo," aniya at inuumang sa bibig nito ang kutsara. Walang nagawang sumubo naman ito. "Camila naman..." parang batang ungot ni Ernie sa kanya. Alam naman niyang busog na ito. Kanina niya ito pinapakain at sa payat ni Ernie sobra-sobra na ang ipinakain niya rito. Sumimangot siya at ibinaba na ang pinggan. Baka nga maimpatso pa to kapag itinuloy niya ang pagpaparusa dito. "Paliliguan na kita," aniya saka tumayo at iniligpit ang pagkain na nasa tray. "Kaya ko namang maligo mag-isa-" "Mas marunong ka pa sa nag-aalaga sa'yo?!" nandudumilat ang mga matang sikmat n

