Camila's POV "IWAN mo na lang dito yan, Miss, bawal tumanggap ng bisita ngayon," sabi sa kanya ng isang police na nasa reception. Tinignan niya ang wall clock. "Nakapaskil sa labas na hanggang ala-una ang dalaw, alas onse pa lang, sir," katwiran niya. Pigil-pigil niya ang inis na nararamdaman niya. Nagkatinginan naman ang dalawang pulis. "Iwanan mo na lang yan diyan kami na ang mag-aabot sa kanya." Duda siya at kinakabahan. Parang ayaw ng mga ito na makita niya si Percy. "Kahit ako na lang ho ang mag-aabot. Iaabot ko lang po promise," muling pakiusap niya. Mukha namang nainis na ito sa kanya. "Ang kulit mo naman! Bukas ka na lang bumalik, kung ayaw mong iwan yang pagkain dalhin mo pauwi, pero bawal ang dalaw ngayon." Hindi na rin niya napigil ang inis niya. Nagpalinga-linga siya sa