"LUMPUHIN ko na ba?" ani ni Declan na sumabay ng lakad sa kanya. Hindi siya umimik. Ang tinutukoy nito ay si Guiller o Guido. Kapatid ito ni Bernard sa ama. Anak sa labas si Guido. Tanggap naman ito ng lahat ngunit ito ang lumalayo sa kanila. Alam niyang madalas na nagiging sakit ng ulo ito ni Bernard hindi niya akalain na pati siya babanggain nito. Muling nagtagis ang bagang niya. Hindi niya alam kung ano ang eksaktong kaugnayan nito kay Camila pero hindi siya papayag na magiging isa ito sa magiging hadlang para makasama niya si Camila. If he needs to put him down, he will do it without remorse. Mahalaga ang pamilya sa kanya, sa kanila. Itinuring niyang pamilya si Guiller dahil may dugong Moretti ang nananalaytay rito kahit pa halatang hindi ganoon ang turing nito sa kanila. "Kaya k

