Camila's POV NILINGON ni Camila si Percy na umubo na naman. Kanina pa ito ubo nang ubo. Muli niyang sinalat ang leeg nito. Mainit pa rin. "Maiintindihan naman siguro ng Mamita mo na may sakit ka kaya hindi ka makaka-attend ng birthday niya." "It's her seventieth birhtday..." dahilan nito na hindi naman niya gets kung anong koneksiyon. "Sa sama ng ugali ng Mamita mo aabot pa siya sa eightieth birthday niya, de sun ka na lang bumawi." Natatawang nilingon naman siya ni Percy. Nakasandal ang ulo nito sa upuan ng sasakyan. Na sa backseat sila ng BMW nazca nito. Si Zarvin ang driver nila. "Why do you loathed her so much?" Nakakunot na naman ang makinis nitong noo. "May kasalanan ba siya sa'yo na hindi ko nalalaman?" Nawalan naman siya ng imik at bahagyang napalunok. Ayan sa katabilan niya