Chapter 73 Nakarating sila ELenor at Barguso sa isang resto, agad siyang ibinaba ng lalaki sa isang bakanteng upuan. Nagtitinginan ang mga kumakain sa loob dahil sa kanilang pagdating, habang nagba-bow sa kanilang dalawa bilang paggalang at pagbibigay-pugay. Hindi alam ni Elenor kung ano ang gagawin nang mga oras na iyon, alam niyang nahihiya siya dahil sa akto nilang dalawa ng asawa, pero mukhang balewala lamang iyon kay Barguso. Hindi nito pinapansin ang tingin na ipinupukol sa kanya. Alam niya na malaki ang atensyon na umaagaw sa kanila, lalo na at marami ang kumakain sa loob ng resto. “Ayos na ba ang pakiramdam mo?” tanong sa kanya ni Barguso nang masiguro0 na nito na maiupo siya sa upuan. Tumango bilang tugon si Elenor sa kanyang asawa. Akala niya ay hindi na siya makakain kanina,

