Hindi nila binigay ang magical tree sa tatlong sugo. Masama ang tingin na ipinukol ng mga ito sa kanila. Alam ni Elenor na nagagalit na ang mga ito. Inaasahan na niya ang bagay na iyon, ganoon din naman talaga ang mangyayari kahit na hindi nila ibigay. “Tama ba itong ginagawa natin?" tanong sa kanya ni Randal. Tumango siya bilang tugon, saka sinundan iyon ng sagot. “Sigurado ako. Kailangan natin mag-ingat kung hindi sila isang huwad. Kailangan natin silang pasubukin, mahirap na at baka isa sila sa kalaban, makuha pa sa atin itong magical tree. Mahirap na ang maisahan." .“Tama si Elenor. Kailangan nating mag-ingat. Lako na at ilang beses na tayong napahamak. Mahirap na at mapunta iyan sa kamay ng mga kalaban," sang-ayon naman ni Damien. Tumango-tango naman ang iba at mas tinalasan an

