Chapter 71 Nalibot na siguro ni Elenor ang buong library hub, pero hindi pa rin makita-kita ni Barguso ang tinutukoy n itong libro na unang binasa. Napatingin siya sa lalaki habang seryoso ang mukha nitong naghahanap sa mga book shelves. Hindi alam ni Elenor kung anu ang nararamdaman niya nang mga oras na iyon. Parang dinadaga ang kanyang puso na hindi niya maintindihan. Kung saan ba naman na lupalop ang klibro nitong tinutukoy, mukhang mamumuti ang mata nitya sa gutom. Kanina pa siya nagugutom at mukhang hindi iyon pansin ni Barguso. Nang hindi na siya makatiis, lumapit siya sa lalaki, pero napatigil din siya nang ilang dan gkal na lamang ang namamagitan sa kanya at sa likod ni Barguso. Ano ba itong pakiramdam niya? Bakit siya kinakabahan nang mga oras na iyon? Ano ba ang ginawa sa kan

