Chapter 75 Itinagong muli ni Elenor ang kahon sa kanyang kabinet pagkarinig niya nang katok sa pinto. Hindi niya alam kung sino ang panauhin sa labas. Nilagyan niya ulit ng seal ang kahon bago isinara ang kabinet. Tumungo siya sa pintuan saka pinagbuksan ng pinto ang kumakatok mula sa labas. Sumalubong sa kanya ang katulong na babae, agad itong yumuko bilang pagbibigay galang sa kanya. Pagtapos nitong yumuko ay agad na ngumiti ito sa kanya. “Mahal na reyna, pinatatawag po kayo ng mahal na hari sa living room. May panauhin po na gusto niyang ipakilala sa inyo,” awika nito sabay ulit yuko sa kanyang harapan. “Ganoon ba, sige, sabihin mo sa kanya na susunod ako ng ilang sandali. Magbibihis lamang ako saglit. Maraming salamat.” Tumango ito bilang tugon sa kanya. Pagkatapos no’n ay tumali

