Paglabas namin ay napatayo agad si Asher at may pag-aalala pa ring tumingin sa akin. Bigla tuloy akong nakonsensiya at hindi ko talaga magawang pagdudahan siya. Pero buhay na ng Daddy ko ang nakataya rito, kaya hindi ako puwedeng magbulag-bulagan. “Totoo ba ang sinabi ni Lorebel? Totoo bang patay na talaga ang Daddy namin?” naiiyak na tanong ni Lovella sa asawa ko. Bigla naman akong kinabahan nang bumaling kay Asher. “Yes. My brother informed us about it,” walang gatol na sagot naman ni Asher. “Kung gano’n, nasaan ang bangkay niya? Bakit walang tumatawag para ipaalam sa amin ang tungkol sa nangyari sa kaniya?” muli ay tanong na naman ng kakambal ko. “That, I don’t know the answer. But I am offering my condolences…” malungkot na tugon naman ni Asher. Umiwas ng tingin si Lovella at mara

