Chapter 50 Cruelty

2220 Words

Sa kabila ng panghihina ni Kim at panlalabo ng mga mata niya ay kitang-kita niyang dinala sila sa isang silid na may mga nakahilerang kama. Para itong isang ward sa ospital at naamoy din niya ang mga kemikal na hindi niya alam kung saan nagmumula. “Nasaan ako? Ano’ng gagawin ni’yo sa akin?” nagawa niyang sabihin, ngunit siya lamang ang nakaririnig niyon. Hindi rin niya maigalaw ang katawan niya, o kahit na anong parte ng katawan niya. “Dok, may isang hindi pa nakakatulog,” narinig niyang sabi ng isang staff. Napadako tuloy sa kaniya ang tingin ng ilang mga naroroon kabilang ng tatlong doktor. “Don’t worry, she’s not in her proper state of mind due to the drug we injected her. And she won’t be able to move, too, so we can accomplish our task here,” sagot naman ng may katandaang doktor na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD