Masaya akong bumangon nang sumunod na araw dahil sa nagdaang kaganapan. Kahit lasing na lasing si Guillard ay inangkin niya ako nang walang dahas at poot. Unang beses pa lang na nangyari iyon kaya bigla tuloy tinubuan ng pag-asa ang puso ko. Hindi ko man siya inabutan sa higaan ay magaan ang pakiramdam kong bumangon at tinungo ang banyo para maligo. Medyo masakit talaga ang buong katawan ko, lalo na sa bandang pagitan ng mga hita ko, pero gano’n talaga. Honeymoon namin ito kaya normal lang naman na gawin namin iyon ng ilang ulit. Ang masaklap lang, simula nang may mangyari sa amin, palagi niyang binibigyang-diin ang pag-inom ko ng pills. Ayaw daw niyang magbuntis ako kaya kailangan kong uminom no’n araw-araw. Sinusunod ko na lang dahil ayaw kong magalit siya sa akin. “Magandang hapon po

