48

572 Words
Chapter 48 Bago umuwi sa Condo ay nagpasya na muna akong magpahatid kay Jerson para pasyalan si Lola sa bahay at pinamili kuna din ito ng mga grocery nila ni ate Siony,siya ang nag aalaga kay lola. Pag dating ko sa bahay ay naabutan ko si ate Siony na nag luluto ng hapunan at kasama niya si lola at masaya silang nag kkwentuhan, nilapitan ko ito at mula sa likuran niya ay niyakap ko ito ng sobrang mahigpit. Abay ano kabang bata ka at nagulat naman ako sa iyo"! Suway sa akin nito sa malambing na boses at hampas sa braso ko. Lolah sooobrang na miss kupo kayo, Masayang sabi ko rito na may halong pang gigigil, Nagtungo naman kami sa sala para makapag kwentuhan saglit bago ako umalis dahil kailangan kupa din pumasok sa coffee shop. Lola salamat po sa inyo sa lahat ng ginawa niyo para sa akin mula pa nung bata ako. Pag kasabi ko noon ay humarap sa akin si lola at hinawakan ang balikat ko. Anak wala kang dapat ipagpasalamat sa akin dapat nga ako itong magpasalamat sa iyo dahil mula ng nawala ang mommy ay ikaw ang pumalit sakanya at ikaw lang ang nag papasaya sa akin habang tumatanda ako. Patawarin mo ako apo dahil nilihim ko saiyo ang naging kasalanan ng mommy mo saiyo natatakot lang naman ako noon na iwan moko pag nalaman mong may bagong pamilya na ang mommy mo at baka bumalik ka sa daddy mo. Habang sinasabi ni lola iyon ay tumutulo ang mga luha niya at iyon ang ayokong makita kaya pinunasan ko iyon at hinalikan siya sa pisngi niya at niyakap muli ng mahigpit. Nagtagal pa ng ilang oras ang pag kkwentuhan namin ni lola pag katapos ay sinadya na kami ni ate Siony sa sala upang sabihan na yari na ito sakanyang niluluto at nakapag hain na din sa mesa. Aaminin kung na miss ko ng sobra ang kumain kasama si lola,paminsan minsan pa ay sinusulyapan ko ito habang kumakain at napapangiti na lamang ako dahil,kung hindi kay sir Arcel malamang ay hanggang ngayon ay na momoroblema parin ako sa pagpapa opera ni lola. Nag papasalamat din ako ng marami dahil kumuha pa siya mag aalaga kay lola,kahit papaano ay hindi na ako masyadong mag aalala sakanya habang nasa trabaho ako. Dahil alam kung may nagluluto at nag papakain sakanya at higit sa lahat at inaalagaan at napapa inom siya ng gamot sa tamang oras. Naparami ang kain ko dahil sobrang namiss ko talaga ang kumain dito sa bahay kasama si lola. At hindi lamang iyon dahil bago pa ako umalis ay pinagbalot pa ako ni lola ng ulam para baunin ko sa trabaho. Hindi ko naman iyon tinangihan ,sayang din kasi kung bibili pa ako sa cafeteria,hindi rin naman kasi biro ang presyo ng mga pag kain doon. Malaki na rin ang matitipid ko sa araw na iyon,nang masigurado ko ng mag papahinga na si lola ay nag paalam nako sakanya at pagkatapos ay sinadya ko muna si ate Siony para mag bilin. Nag iwan din ako ng pera pang grocery nila sa susunod na araw dahil baka hindi ako makapasyal dahil natatambak na ang ilang mga trabaho ko. Ayoko pa sanang umalis pero kailangan kupang pumasok sa coffee shop nung gabing ding iyon kaya't nag paalam nadin ako kay lola at ate Siony nangako naman akong papasyal ulit kapag lumuwag na ang schedule ko sa trabaho.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD