Pag katapos ng board meeting ay pinauna na ni Arcel si Calvin na bumalik sa office nito at sinabihan na hintayin na lamang siya doon.
Habang naglalakad ay tinanong ni Calvin si Mia kung papaanong nangyaring nag backout ang Raffaa Corporation sa kontrata nito sakanila samantalang maganda ang naging takbo ng pag uusap nito nung una.
Maging si Calvin ay nanghihinayang dahil napakalaking pera sana ang iinvest ng nasabing kompanya,pinaliwanag naman ni Mia na dahil ito sa naging desisyon ni Sabrina na tanggihan ang kontrata na inaalok dito.
What?teka bakit naman na sama ni Sabrina dito?Pagtatakang tanong ni Calvin kay Mia.
Si Sabrina kasi ang napili ng Raffa Corporation para maging ambasadress nila pero hindi tinanggap ni Sabrina iyon,kaya inurong nila ang pag pirma sa konta at sinabi na pipirma lamang sila pag pumayag na si Sabrina.
Why?naguguluhan ako bakit si Sabrina ang ginugulo nila,eh ang dami nating hawak na mga kilalang modelo isa pa hindi naman modelo si Sabrina designer natin siya hindi ba nila maintindihan yon!
Pagalit na sabi ni Calvin sabay upo sa couch pag dating nilang dalawa sa opisina ni Arcel.
Nag paalam naman sagilit si Mia at lumabas muna ito ng opisina,samantalang may tumawag naman kay Calvin upang makipag kita sa isang restaurant.
Pero bago pa ito tumayo sa kinauupuan ay may nakita itong isang folder na nakahulog sa sahig kaya't pinulot niya ito at tiningnan kung importante pag katapos basahin ay binalik niya ito sa ibabaw ng lamesa ni Arcel at lumabas na ng opisina at tumuloy sa nasabing restaurant.
*******
Habang nag ddrive ay hindi maalis sa isip ni Calvin ang nabasa at tila hindi ito makapaniwala,gustuhin niya mang kausapin si Arcel ay nagpasya muna siya alamin ang lahat..
Mula pagkabata ay malapit nasa isat isa si Calvin at Sydney sa totoo lang matagal na siyang may gusto sa dalaga pero bago pa man nito maamin ang nararamdaman nito ay inamin na rin ng dalaga ang nararamdaman nito kay Arcel.
Kahit masakit para sakanya ay sinuportahan parin ni Calvin ang naging relasyon ng dalawa,nakikita niyang masaya si Sydney kaya hinahayaan niya lang ito sa piling ng pinsan niya dahil alam niyang mahal na mahal din ito ni Arcel.
*****
Pag katapos ng naging meeting ni Calvin ay dumeretso ito sa isang bar sa madaluyong pag katapos ay tinawagan nito si Jerson upang samahan siyang mag inom,mula college ay magkaibigan na ang dalawa at laging ito rin ang dumadamay dito pag may problema ito sa kompanya..
Halos mauubos na ni Calvin ang isang bucket ng beer bago pa dumating si Jerson,
Hey bro!Whats the matter ang aga naman yata ng inom mo?masayang bati nito kay Calvin habang papalapit ito sa kinaroroonan ng kaibigan,
Tell me problema ba sa kompaya o sa babae?pang aasar na tanong nito sabay tapik sa balikat ng kaibigan.
Tama ka bro,problema nga sa trabaho at babae,nakangising sagot naman ni Calvin sabay inom sa beer na nasa baso..
Nagkwento naman ito kay Jerson maging ang problema ng kompaya ng mag backout ang Raffa Corporation ay nabanggit nito sa binata,dahilan upang matigilan ito sa pakikinig at nagtanong sa kaibigan.
You mean nag back out ang Raffa Corporation dahil lang hindi pumirma si Sabrina?,Tila napaisip naman ito dahil alam niya ang dahilan kung bakit hindi pumayag si Sabrina sa alok ng Rafaa.
Alam niya na ang ina ni Sabrina at si Carmella Raffa ay iisa,ngunit hindi niya iyon sinabi sa kaibigan dahil alam niyang kinamumuhian ni Sabrina ang ina at ayaw nitong may makaalam sa relasyon nilang dalawa.
Sinabi ko na nga ba hindi magpapakasal ang isang Mr.Sebastian kung walang kapalit at wala itong masamang intensyon.
Bulong ni Jerson sa sarili habang naka yukom ang mga kamao nito.
Bago mag tanghali ay bumalik nadin si Jerson sa building pagkkatapos nitong samahan si Calvin sa bar.