Chapter 41
Alas kwatro na ng hapon ng matapos kame sa aming ginagawa na ayos nadin namin ang mga gamit pero hindi pa kame pinayagan umuwi dahil pinag stayed pa kaming lahat don dahil inimbitahan ang buong team para sa isang salo-salo.
Masaya ang lahat pati din naman ako dahil bilang trabahador ay madalang lang kame makaranas ng ganon.
Okey na sana ang lahat kaso kasama din pala si sir Arcel ng makita ko ito ay kumulo agad ang dugo kayat nag pasya muna akong umalis sa may cottage para humanap ng magandang view.
Diko alam kung sinusundan ba ako nito ohh sadyang parehas lang kami ng pupuntahan,
Kaya't binilisan kupa ng konti ang lakad ko para di niya ako masabayan sa paglalakad pero nagulat na lang ako ng bigla niyang hatakin ang kamay ko.
Wait Sabrina iniiwasan mo ba ako!
Galit na tanong nito sa akin.
Huh?ako?hindi ahhh hindi lang po kita napansin sir pasensya na.
Sabay yuko ko dito pag katapos ay mabilis ko din itong tinalikuran pero hinatak na naman ako nito.
Araay!bakit po ba?
Inis kung tanong sakanya matapos akong ipihit nito paharap sa kanya.
Pag katapos mo akong sampalin ngaun naman iniiwasan moko?Alam mo bang ikaw palang ang unang babae na gumawa sa akin noon?
Habang sinasabi niya yon ay palapit ng palapit ang mukha nito sa mukha ko dahilan para mailang ako.
Baka nakakalimutan mo hindi lang iyon ang una mong pang haharas saken.
Ngiting sabi nito sabay titig sa mga mata ko,dahilan naman para makaramdam ako ng malakas na kabog sa dibdib ko.
Pakiramdam ko kapag lumapit pa siya ng kaunti sa akin ay maririnig niya ang lukso ng puso ko .
Teka nga ano bang pinagsasabi mo!
Sabay tulak ko dito para hindi ito makalapit pa ng mas tutok sa akin,at para hindi din halatang natataranta na ako
Gusto mu bang ipaalala ko sa iyo yung gabing pilit mo akong pinag hahalika-----
Ayooooko!wag! wag munang ituloy na ngingilabot ako!
He laughed playfully.
Ano bang problema mo? ano bang gusto mo? bakit pilit mupang pinapaalala yun? akala ko ba walang nangyari sa atin?
Naka simangot kong tanong dito habang titig na titig ako sa mga mata niya.
Biglang nag iba ang ekpresyon ng mukha nito at tila may ngiting sumisilay sa maninipis at mapupula nitong labi.
Kahit madilim na ang paligid pansin ko parin ang ganda ng mga mata nito na tila kumikinang sa dilim.
Biglang nawala ang pag kainis ko rito at tila naging abala ang isip ko para kilatisin pang mabuti ang bawat parte ng mukha nito.
Yes wala ngang nangyari sa atin, pero may ginawa parin tayong dalawa.
Yuck!
Mabilis kong tinakpan ang bibig nito at pinaghahampas sa may braso niya.
Bastos bahala ka jan!
Pag kasabi ko non ay mabilis ko siyang tinalikuran akmang aalis na ako pabalik sa cottage ay muli na naman ako nitong hinawakan sa may braso.
Teka lang at isa pa pala hindi rin naman pala kasalanang maituturing iyong dahil sa batas ng diyos at tao ay ligal tayong mag asawa.
Isang makahulugang ngiti at titig ang iniwan nito sa akin bago pa ito tumalikod at maglakad papalayo sa akin.
Tila napako naman ako sa kinatatayuan ko at pilit na inaalala ang mga huling salitang sinabi niya.
Nang hindi ko na naaninag ang katawan nito ay lumakad na rin ako pabalik sa cottage.