Chapter 30
Kinabukasan ay bumalik na din ang dalawa sa manila at bago pa iyon ay dumaan na muna sila sa bahay ng dalaga sa pasig upang kuhanin ang ilan sa mga importanteng mga gamit nito.
Sir dito nalang po kayo sa loob ng sasakyan wag napo kayong lumabas dahil sigurado pong dudumugin kayo ng mga tao pag nakita kayo.
Pag kasabi ni Sabrina ay lumabas nadin ito ng sasakyan at dumeretso na sa loob ng bahay ay mabilis na kinuha ang ilan sa mga gamit nito pag katapos ay hiniling niya din na dumaan muna sa hospital upang bisitahin saglit ang lola nito at makamusta.
Pinagbigyan naman ito ng kanyang asawa,dumeretcho sila sa makati med dahil doon nilipat ang lola niya,Pag baba sa parking lot ay nagulat naman si Sabrina ng sumunod ito.
Sir,bakit po kayo bumaba?
Its okay i want to see grandma,
Tipid na sagot nito na tila nagpangiti kay Sabrina ng marinig nito ang sinabi ng asawa.
Pag dating sa loob ng hospital ay may pa ilan ilang mga taong tumitingin sa mga ito,ngunit dahil kilalang tao dito si Arcel ay agad silang inescort ng mga apat na guardiya dito para makasiguradong walang makaka kuha ng litrato.
Naka sunod din sakanila ang driver nito para bantayan ang amo.
Pagdating sa loob ng kwarto ay linapitan agad ni Sabrina ang matanda at niyakap ng mahigpit,nagising ito mula sa pag kakatulog,
Oh apo,kamusta kana,tanong ng matanda sakanya.
Okay lang po ako lola,kayo po kamusta napo kayo? mag palakas po kayo ahh, dahil bukas na po ang operasyon niyo.
Tumango naman ito at ngumiti,tila hirap na itong makapagsalita kaya panay tango lang ito.
Anak sino yang binatang kasama mo?sabay ngiti ng matanda kay Arcel.
Bago pa man makapagsalita si Sabrina ay nag salita na ito.
Kamusta po kayo lola,Arcel Sebastian po ang pangalan ko a--t,.
Mabilis namang pinutol ni Sabrina ang sasabihin nito,
At siya po ang boss ko lola,sya po yung tumulong po sa atin,kaya po nandito siya para makita at kamustahin po kayo ng personal..
Sabay nginitian naman nito ang asawa at tumango naman ito bilang pagsang-ayon.
Matapos ang mahigit sa isang oras na pag kkwentuhan nila ay nagpaalam nadin si Sabrina sa lola nito at maging ang asawa nito bago pa yun ay hinalikan pa ni Arcel sa nuo ang matanda at sinabing magpalakas.
Tila natuwa naman ang puso ni Sabrina sa kinilos ng asawa,