56

605 Words
Pag katapos ng photoshoot ay nagmamadaling umalis si Maxine sa venue para tumuloy sa bar ni Jazz dahil sa isang araw start ng longweek vacation kaya naisipan nitong hayaan ang mga to sa isang overnight swimming sa resort na pagmmay-ari Calvin. Bago yun ay naisipan niyang daanan si Arcel sa condo nito para personal na imbitahan,pag dating sa lobby ng condominuim ay dumeretso ito sa mga receptionist, Arcel is here?pagtataray na tanong nito sabay hawi sa buhok nitong tumatakip sa maganda niyang mukha. Sino po sila ma'am?magalang na tanong ng babaeng receptionist, What!seriously hindi mo ako kilala?pagalit na sagot nito sabay bagsak ng pouch na hawak nito sa counter bar. Ma'am pasensiya napo hindi po kasi kame pwedeng basta basta magbigay ng personal information sa VIP tenant po namin,magalang na pagpapaliwanag ng lalaking receptionist, Kung gusto niyo po ma'am ay tawagan muna po natin si Mrs.Sebastian,dugtong pang sabi nito na pinagtaka naman ni Maxine. What??Who's Mrs.Sebastian?kunot noong tanong nito habang naka pamewang sa harap ng dalawang empleyado ng condominuim. Asawa po ni Mr.Sebastian ma'am,nandiyan po kasi siya pwede po naming tawagan muna kung may importante po talaga kayong pakay kay Mr.Sebastian. Tila naguguluhan naman si Maxine sa pinagsasabi ng lalaki,dahil wala itong maalalang kinasal si Arcel,kanino?sino?kailan at pano nangyaring may asawa to?tanong sa isip ng dalaga.. No need,tatawagan kuna lang siya!,sabay talikod at lakad nito palabas ng condominuim, Pagdating sa parking ay mabilis nitong pinaandar ang kotse at tinawagan si Jazz. ***** Mag aala siete na ng gabi ng matapos magluto si Sabrina mabilis niya ring inayos ang mga iyon sa mesa naglabas din siya ng wine at pag katapos ay nagpahinga ito saglit at naligo. Pasado alas otso na pero wala padin si Arcel,sinilip din ni Sabrina ang cellphone nito nagbabaka sakaling may messages ang asawa ngunit tulad kanina ay wala pading naligaw na messages kahit isa. Nasaan na kaya siya? Nabasa kaya niya ang messages ko? Baka naman nag overtime ulit? Tawagan ko kaya? Ay wag na baka busy pa. Sunod sunod na tanong ni Sabrina sa isip habang naka upo at panay tingin sa cellphone nito. ******* Ala siete na ng matapos ang business meeting ni Arcel kasama si Mia,akmang kakapain nito ang cellphone niya ng maalalang naiwan iyon sa opisina niya. Sir Arcel tumawag si Mr.Tan pinapasabi niya urgent matter daw at kailangan magkita kayo sa Lobus Hotel at 8:PM, Okay sige sabihin mo on the way nako,then you may go Mia,its already late ako nalang mag isa ang pupunta doon, Pag alis sa parking ay umalis nadin sila agad ni Mia,pag dating sa building ay naiwan na doon si Mia pagkatapos ay kinuha nito ang cellphone niya sa office at mabilis ding umalis at tumuloy sa nasabing hotel. Pag bukas niya ng cellphone niya ay nakita niyang may messages sakanya si Sabrina,napakunot naman ang noo nito ng mabasa na birthday ngayon ng asawa,gustuhin niya mang umuwi na ay hindi na maari dahil nandoon na siya sa hotel. Hindi pa man ito nakakapagreply ay dumating na si Mr.Tan at inaya na siyang pumasok sa conference room at tumagal ang meeting ng mahigit dalawang oras. ****** Mag aalas dyes na pero wala padin si Arcel,nakakaramdam nadin ng gutom si Sabrina at tila makakatulog na sa sobrang antok. Baka hindi na siya dadating,malungkot sa bulong nito sabay tayo sa upuan at isa isa ng linigpit ang mga pagkain na hinanda nito. Kahit nagugutom ay nawalan nadin ito ng gana kaya ipinasok niya na lahat sa ref ang pagkain,patapos na siya sa ginagawa niya ng marinig niya ang pag bukas at pagsara ng pinto kasabay noon ay narinig niyang may tumawag sa pangalan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD