NAPANGITI si Mary nang matapos na niya lutuin ang mga kailangan ihain para mag-ama. Lumakad na siya patungo sa kung saan si Kian upang tawagin. "Kian.... Kian!!" "Yes po, Tita Mary?" "Kain ka na, baby, nasaan na Daddy mo?" nakangiting sabi niya. "Sige po, nasa kwarto pa din po," sagot nito. "Ganun ba, mauna ka na doon sa kusina, tatawagin ko lang si Daddy crush," may halong kapilyang giit niya. "Yieeee, sige po," masayang sagot nito. Nang makarating na siya sa labas ng kwarto ng lalaki ay kaagad siyang puwesto sa harap ng pinto. "Sir-boss-among-tunay, breakfast is ready.... ay! 'Di sumasagot...ahmmm," nagtatakang tanong niya sabay tulak sa pinto. Nagulat siya ng mapansing bukas ito, ganun pa man ay tinulak niya ang pintuan at pumasok. "Kin—ayy, s**t!" gulat na hiyaw niya sabay tak

