PAGDATING nila sa bahay ay kumuha muna uli sila ng litrato. Pagkatapos ay kumain, marami ang bisita kaya abalang-abala silang mag-asawa. Makalipas ang ilang oras dumating na ang gabi kaya unti-unting ng uwian na ang kanilang mga bisita. Nang makatapos na sila sa pag-aayos ay pagod na naupo silang mag-asawa sa sofa habang karga ni King ang tulog na si Khate habang ang kambal nito ay kanina pa nasa crib, mas maaga kasi itong natulog. Napabuntonghininga siya habang nakatitig sa maraming regalo na nakalagay sa mahabang mesa, pinasok ito kanina nina Valliere at Prince. Maganda ang disenyo ng theme ng kambal, pink and blue. Kompleto rin ang mga pagkain mula sa main dish hanggang sa side dish at dessert, 'di niya tuloy maiwasang mapaluha sa saya. "What's wrong?" nag-alalang tanong ni King naka
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


