KALALABAS lang ni King sa kaniyang silid nang makita niya ang kaniyang anak na si Kian nakaupo sa may sofa. "Kian...." tawag niya sa atensiyun ng anak. "Yes po, Daddy?" sagot nito. Nakaupo ito sa kanilang sofa at bihis na bihis. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kaniyang anak. "Hmm sino ‘yung babaeng kinausap mo last week? Ba’t close kayo anak?" mamaya ay usisa niya. "Po?" nalilitong tumingin iyo sa kanya. Hindi kasi masyado naiintindihan ni Kian na may amnesia ang kanyang ama kaya’t gano’n na lamang ang naging reaksiyun ng bata. "Ahh, ‘yun po ba, Daddy? Si Tita Mary po, kapitbahay po natin siya dati sa Fantasy Condominium. Mabait po siya sobra. Noong na hospital po ako, siya po ang nagbabantay sa akin kapag nasa work ka po, saka po sa pagkaalala ko nililigawan mo po siya kasi inut

