Chapter 18

1788 Words
NANDITO siya ngayon sa tambayan nila dahil ngayong araw ay ang araw na nagtitipon sila ng mga kaibigan niya upang makibalita sa buhay ng isa't-isa. "Halatang in love 'yung isa diyan," komento ni Irene na alam niyang siya ang tinutukoy nito sapagkat panay ang sulyap nito sa gawi niya. "Oo nga no. Tingnan mo ang kislap ng mga mata, blooming! Medyo pumula ang pisngi—teka, ahmm gan'yan na gan'yan ka, Janjan. Nang na diligan na ang flower mo! Omg, sinuko mo?" malakas na tanong ni Juliane. Napatingin tuloy ang mga customer sa kanila, namula naman siya dahil sa naging komento ng kaibigan. "Ang boses mo hinaan mo lang," mahinang saway niya. "So? Totoo sinuko mo?" nakataas kilay na tanong nito Napatingin din sina Janjan at Irene sa kanya. Kinabahan tuloy siya, hot seat siya ngayon. "Ah... ehh... eh...hehe." 'Di niya alam kung paano sasabihin kaya tumango na lang siya. Bigla tumahimik ang tatlo palipat-lipat tingin niya sa mga ito. "Guys look, I'm sorry alam kung mali 'yung ginawa ko pero kasi—" kinakabahang pahayag niya na 'di na tapos sapagkat biglang tumili ng malakas si Irene tapos inalog-alog siya ni Janjan at Juliane. "OMG! OMG! Congrats girl! Babae ka nga talaga, wew," masayang sabi ni Irene sabay pahid pa ng pawis sa noo na wala naman. "Ano ang feeling? I mean masarap ba? Ay, este saan niyo ginawa?" usisa ni Juliane. Habang si Janjan bahagyang hinaplos ang buhok niya sabay sabing, "Kaya pala glowing ang buhok mo at kutis mo langga." "Oo nga akala ko talaga tomboy ka pero teka may boyfriend ka?" tanong ni Irene. "Oo nga pala no! Sino naman pinsan?" tanong din ni Juliane. "OMO! Don't tell me si-si Kuya K langga?" hula ni Janjan. Tahimik na tumango siya. Kilalang-kilala talaga ni Charmine kung sino ang tinatangi niya at hindi iyon nakakagulat dahil hindi ligid sa mga ito ang damdamin niya sa lalaki. "WHAT??" malakas na react ni Irene na nanlalaki ang mga mata. "A-ano? P-pero paano?" gulat na tanong naman ni Juliane. "OMG!! Totoo langga?" Napatango uli siya saka huminga ng malalim bago ng kwento. "Ganito kasi 'yun...." Kumurap-kurap na nakatingin sa kanya ang tatlo pagkatapos niya ilahad ang lahat na nangyari. "Pero sabi mo hindi pa kayo at-at nililigawan ka pa lang niya," mahinang ani ni Juliane. Ang totoo ay wala namang binanggit si King na liligawan siya nito basta kay bilis lang pangyayari at 'di niya na malayang umabot sila sa ganito. Sa isipang iyon ay hindi niya maiwasang mangamba pero hindi niya na lamang pinahalata sa mga kaibigan. "Oo nga langga, paano kung bumalik siya sa asawa niya," nag-alalang giit ni Charmine. "Hay, mula noon hanggang ngayon ang rupok-rupok mo pagdating sa kanya, sana lang 'wag mangyari ang kinakatakutan namin," seryosong komento naman ni Irene. Kinabahan siya at nakonsensya sa ginawa pero hindi naman niya hihilingin hindi iyon nangyari dahil para sa kaniya'y iyon ang pinaka the best na nangyari sa buhay niya na sa wakas nakuha na niya ang atensiyun ng lalaking pinangarap niya ng maraming taon. *** KINABUKAS ay nakita na lamang ni Mary ang sariling sakay sa kotse ni King. Papunta sila ngayon sa resort na pagmamay ari ng kaibigan nito. Oo, nagpasya siyang sumama rito at nagbabakasali siyang makakapag-usap sila ni King tungkol sa kanilang dalawa. "Masaya akong pumayag kang ipasyal kita rito," nakangiting giit ng lalaki at sumulyap sa kaniya. "Ako pa lang ba ang dinala mo sa resort?" Hindi niya alam bakit iyon ang lumabas sa labi niya. Babawiin na niya sana nang mapansin niyang natigilan ang lalaki sa kaniyang sinabi ngunit nagulat siyang tumigil ang sasakyan. "Nandito na tayo," anunsyo ng lalaki. Napakurap-kurap siya at tumingin sa labas. Hindi niya maiwasang mamangha sa nakikita, kay linis ng fish pond nasa gilid at tanaw na tanaw niya ang may kalaparang pool at ang mataas na slide. Ang ng gagandahang kubo na yari sa kawayan at meron mga tent sa kaliwa nakalagay sa ilalim ng mga matatas na puno. "Nagustuhan mo ba?" Nagulat siya nang mapansing nasa gilid na niya si King nakatayo ito sa labas ng kotse at seryoso ang mukhang nakatingin sa kaniya. Hindi man lang niya napansin na bumaba na pala ito at binuksan na ang pintuan nasa gilid niya. "Oo..." "Ngunit hindi mo sinagot ang tanong ko." Gusto niyang idagdag sa kaniyang naging tugon ngunit ayaw niyang masira ang mood ng lalaki. "Tara na," anyaya nito sabay abot ng kamay. Tumango siya at inabot ang kamay sa lalaki. Tinahak nila ang daan patungo sa front desk, winili niya ang kaniyang sarili sa mga tanawin na kaniyang natataw sa lugar. "Bakit parang walang mga tao?" hindi niya maiwasang itanong. "Kasi nirentahan ko ang buong lugar para lang sa atin," sagot ng lalaki. "Huh? Pero—" Tumawa ito ng mahina. "Binibiro lang kita, walang tao dahil nga kakabukas lang nito kaya't wala pa masyadong customer tayo pa lang." Napangiwi siya sa sinabi ng lalaki, minsan talaga hindi niya mabasa ang iniisip nito o ginagalaw. *** NAPA-ANGAT siya ng tingin nang maramdaman niyang may malamig na bagay ang dumampi sa kaniyang pisngi. "Malalim na naman ang inisip mo, may gumugulo ba sa iyo, Mary?" Huminga siya ng malalim sa tanong ng lalaki, na halata pala nitong nawawala siya sa kaniyang sarili. Nandito na sila ngayon sa may gilid ng pool at dahil hapon na sila dumating ay hindi na mainit dahil palubog na din naman ang araw. "About sa tinanong mo kanina kaya ka nagkakaganiyan?" Marahan siyang tumango, matagal siyang tinitingan ni King na tila ba pinag-aaralan nito ang kanyang eskresyon at isip. "Gano'n ba? Tulad nga ng sinabi ko kakabukas lang ng resort na ito at kahit pa matagal na ito wala pa akong matandaang may inaya ako mamasyal sa mga ganitong lugar, Mary," seryosong saad ng lalaki. "Even May?" Huminga ito ng malalim at umupo sa tabi niya. "Even her." Tinignan niya ng deritso sa mga mata ang lalaki upang basahin kung totoo ba ng mga sinasabi nito. "Minahal mo ba siya?" pabulong na tanong niya. "Oo..." sagot ng lalaki nakinanlumo niya. Yumuko siya upang hindi nito makita namumula ang kaniyang mga mata at meron nang luhang namumuo roon. "Minahal ko, oo pero noon iyon." Napa-angat siya ng tingin sa sinabi ng lalaki, napa-urog pa siya nang bigla nitong kinulong ang kaniyang magkabilang pisngi sa palad nito. "Huwag ka umiiyak, nasasaktan ako ‘pag nakikita kitang umiiyak," masuyong bulong ni King sa kaniya at pinahiran nito ang kaniyang luha gamit ang mga labi nito. "Shh, tahan na. Si May ay parte na lamang ng aking nakaraan at ikaw na ngayon ang aking kasalukuyan, Mary. Dahil simula sa araw na ito ay pinapaubaya ko na sa iyo ang aking puso, matatanggap mo ba? Matatanggap mo ba ang isang tulad ko? May anak na at torpe—" Hindi na niya pinatapos ba ang lalaki sapagkat pinatahimik niya ito gamit ang kaniyang labi na kaagad naman itong tumugon. "Tinanggap ko, King. Kahit ano ka pa at maging sino ka pa. Hindi ko na hahayaang palampasin pa ang pagkakataong ito upang maging akin ka dahil mahal kita dati pa," buong pusong pahayag niya. Na puno ng kasiyahan ang mukha ng lalaki. "Salamat, pinapangako ko rin iingatan ko ang iyong puso, aking reyna." Napa-awang ang kaniyang labi sa tinawag ng lalaki sa kaniya. "Aking reyna?" gulat na tanong niya. Tumawa ng mahina ang lalaki. "Oo dahil mula ngayon ikaw na ang reyna ng buhay ko at ng puso ko. Ibig sabihin noon, ikaw lagi ang siyang iisipin ko at aalagaan dahil pag mamay-ari mo na ako." "Oh, King, mahal na mahal kita," buong pusong pahayag niya at hinatak ang lalaki upang hulihin ang labi nito. Nang maubusan na sila ng hininga saka pa lang nila napag pasyahang maghiwalay at na puno ng tawa nila ang gilid ng pool. ILANG saglit pa bahagya siya bumangon sa pagkahiga sa dibdib ng lalaki para makita ang mukha nito. Nilapat niya ang daliri sa mukha ni King na ngayon ay nakapikit, pinalandas niya ang mga daliri sa ilong, mata at kilay hanggang umabot ito sa mga labi ng lalaki, nakita niyang napamulat ito sa ginawa niya. 'Di niya maiwasang maluha sa sobrang kasiyahan na nararamdaman agad naman pinunasan iyun ng lalaki at inangat nito ang mukha niya bahagya inilapit ang labi sa labi niya at pinakawalan naman agad saka ng salita, "Shh, don't cry, I hate seeing you cry." Maingat na hinawakan siya nito uli sa kamay at marahang hinila para yakapin. "Noon pa man nagkita tayo sa restaurant, ipinagdadasal ko na sana magkita tayo uli, hindi mo lang alam kung gaano ako natuwa ng magkita uli tayo, akala ko kinalimutan mo naku matapos magkahiwalay noong high school pero laking pasalamat ko nang sabihin mo noong gabing nalasing ka." Napakurap-kurap siya at napa-angat ng tingin sa sinabi ng lalaki, hindi niya lang kasi inaasahan na maririnig niya iyon mula rito. "'Di kita kinalimutan, Mary, naalala kita sinusumpong lang ako lagi ng katorpehan pagkaharap ka. Sana hindi ka na mawala uli sa buhay ko, na sana maiparamdam ko sa iyo na mahalaga ka sa akin, I can't hold back my feelings anymore, Mary, mahal kita, dati pa.... I just love you everything about you. Kailangan ka namin, please stay with us no matter what, 'di ko na ma-i-imagine sarili kong magmahal ng iba," dagdag ng lalaki. Parang hinaplos ng napakarahan ang puso niya sa paraan ng pagtitig nito at sa tono nito habang pinapahayag iyun. Hindi siya makapaniwala, pwede na siyang mamatay, joke! 'Di pa pala pwede 'di pa niya nakita panganay nila ni King kaya't huwag muna. Damang-dama niyang totoo ang bawat salita nito. Hindi niya alam pero natagpuan niya ang sariling hinihila ang lalaki at hinalikan ito sa ikatalong beses. Naningas ito sa gulat pero nakabawi din at kaagad na tinugon ang kaniyang halik. Dama niya rin ang paglakbay ng mga kamay nito sa kaniyang bewang pataas sa kaniyang dibdib. "T-teka, King. Baka may makakita sa atin," habol hininga pigil niya sa lalaki. Ngumiti ito at walang pasabing binuhat siya nakinatili niya sa gulat. "S-saan tayo pupunta?" "Saan mo gusto? Sa kwarto o sa tent?" tanong nito. Napangiti siya nang mabasa niya ang kapilyuhan sa gwapong mukha ng lalaki. "Kahit saan, hari ng buhay ko, basta ikaw ang papatong, game ako." Tumawa ng mahina ang lalaki. "Kung gano'n sa tent tayo, mas maganda ang masikip para dikit na dikit tayo," pilyong hirit nito. Kumindat siya sa lalaki. "Aba'y gusto ko iyan." Ngumiti ito at malalaki ang mga hakbang na tinahak ang daan patungo sa tent na maari'y nirentahan nito. Na puno ng pananabik ang ganiyang puso sa gagawin nila ng lalaki at natutuwa rin siya dahil ngayon ay batid na niyang mahal siya nito. ... Binibining Mary
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD