Chapter 1

1271 Words
Adeline Sarmiento “Kuya Alex. Pupunta ba dito si Adrian?” Tanung ni Adeline sa kapatid. “Adeline ilang beses ko ba sasabihin na tatawagin mo siya na kuya,kasi mas matanda siya sa iyo.” Sagot ng kanyang kapatid. “Kuya. Hindi ko na kailangan pa ng isang kuya,kasi andyan ka na eh. Si Adrian siya na ang magiging asawa ko sa future.” Paninindigan nito sa kuya niya. “Baby masyadong malaki ang agwat ng edad ninyo at may gf na yung tao. Nabalitaan ko inaway mo daw yung gf niya kaw talaga. Infatuation lang yan nararamdaman mo para sa kanya magbabago din yan at marami ka pang makikilala ng higit sa kanya.” Sagot sa kanya ng kapatid. “Gf pa lng naman eh maghihiwalay din sila.” Ayaw na paawat ni Adeline sa kanyang kapatid. Napatigil sila ng paguusap ng kuya niya ng puntahan sila ng kanyang Ina at sabihin na nagaantay sa ibaba si Adrian. Dahil sinusundo nito ang kuya niya dahil may importante silang investor na pupuntahan sa pinatatayo nilang negosyo. Kung saan sila ay business partner. Ng marinig ito ni Adeline dali dali itong bumaba at naunang humarap kay Adrian. Bigla siyang nahiya nung makita ang itsura nito na naka formal attire at humahalimuyak ang amoy ng panlalaking pabango. Hindi katulad niya na nakapantulog pa siya with matching pink slippers at hindi pa naliligo. Sino ba naman ang hindi maiinlove sa lalaking ito ang tikas ng pangangatawan. Ang lips na nakakaengganyong halikan. Ang kulay abo niyang mga mata at mahahabang pilik mata. My God! ang laki ng muscle niya sigurado akong ipit ako kapag niyakap niya ako. Grabe nakakakilig matanggad na ako pero parang nanliit ako sa height niya na 6’6” ang suwerte ng Erica na yun at pinahiram ko sa kanya ang love of my life ko. In the right time babawiin kita. Nasabi ni Adeline sa kanyan sarili na may kasamang kilig. “Hi Adrian musta ka naman? Si kuya nagbibihis pa alam mo naman yun talo pa ako kung magbihis.” Sabi niya kay Adrian. “Hi baby girl musta ka naman? Balita ko na grounded ka dahil sa nangyari last week. Pasensya kana kay Erica ha mabait naman yun I’m sure in a long run magkakasundo din kayo.” Hinging paumanhin sa kanya ni Adrian. Dahil nga dito naalala na naman niya kung bakit siya na grounded last week. Yung Erica na kasi na yun napaka maldita kahit mas bata ako hindi ko siya uurungan. Harap harapan ba namn sabihin sa mukha ko na hanggang panaginip na lang daw na magugustuhan ako ni Adrian kasi isip bata daw ako at hindi daw kami bagay kasi mas matanda ito sa akin. Anu naman pakialam niya,basta ako si Adrian lang gusto ko para mapangasawa. Kaya sa inis ko binuhusan kp siya ng juice na hawak ko,buti na lang hindi naring ni Adrian ang mga sinabi ni Erica. Sinabi ko na lang na nainis ako sa way nag pagtitig niya sa akin na akala mo nanunuri kaya nagawa ko yun. Pero nagalit si Kuya Alex sa ginawa ko lalo na si Mommy at nakakahiya daw. Kaya ayun grounded ako ng isang linggo kaya nung nalaman ko na pupunta si Adrian sa bahay na excite talaga ako. “Oh! Bro ang aga natin ah, nagbreakfast ka na ba?” Tanung ni Kuya Alex kay Adrian. “Oo tapos na,talagang inagahan ko para maging maganda ang impression satin ng prospect investor natin." Sagot nito. “Kaw! Adeline hindi ka pa ba maliligo nangangamoy kana? Hindi ka ba nahihiya kay Adrian? Hindi ka pa ata nagtotoothbrush at nagtatanggal ng muta sa mata.” Pangaasar ng Kuya Alex niya. Kaya automatic na umangat ang kanya kamay para malaman kung may muta ba talaga siya sa mata. Kaya lalo siya inaasar ng Kuya Alex niya nung nakita niya ang ginawa nito. “Mommy si Kuya Alex oh! Inaasar na naman ako.” Sumbong nito sa kanyang Ina. “Ano na naman yan? Kayo na nga lang ang magkamukha nagaaway pa kayo. Ikaw Alex tigilan mo ang kapatid mo,alam mo namang pikunin yan. At kaw Adeline ay maligo na nga tanghali na,diba my gagawin kapa for thesis mo.” Sabi ng kanyang Ina. At nakita ko nalang na umiiling at natawa si Adrian sa kanyang narinig galing kay Mommy. “Hindi ko kaya kamukha yang si Kuya pangit kaya niyan hmmmp!” Sabi niya. Sabay irap niya sa kapatid. “Oo pangit na pero kung pangit ako pangit ka din. Kasi iisang dugo lang ang nanalaytay sa atin." Patuloy na pangaasar pa ni Kuya sa akin. “Mommy Oh!” Hirit ko pa kay Mommy. “Alis na kami Mommy” Paalam ni Kuya. Sabay halik sa pisngi niya ni Mommy. At ginulo naman ni Kuya Alex ang aking buhok,na inirapan ko lang bilang reaction. Pag akyat ko sa aking kuwarto. Kinuha ko ang picture namin ni Adrian nung nagdebut ako. Nakaipit ito sa aking diary na pinagkatago tago ko sa loob ng cabinet. Kahit hindi siya ang aking naging last dance dahil umepal si Kuya ay masayang masayang pa din ako. Kasi pinaglaanan niya ako ng oras para makapunta lang siya sa debut ko. “Ang pogi mo talaga Adrian my love. Basta wait mo lang ako ha. Magiging karapat dapat na babae din ako para saiyo.” Sabi nito sa larawan. At tinago niya ulit ang picture sa kanyang diary at umaasa na darating ang araw na magiging Mrs. Adrian Santiago siya. Sisiguruhin ko na magiging asawa ko siya by hook or by crook na. Antayin mo lang ako Adrian my love lahat ay irereserve ko para sa iyo. Ngayon nga ay maaga siyang pumasok sa university kung saan siya ay graduating student sa kursong B.S. Psychology. Inaayos na lang niya ang kanyang thesis dahil nakumpleto na niya ang required hours niya for OJT. Kaya talagang busy siya habang nalalapit ang kanyang graduation. “Beshy ang aga mo ah, yan ba ang nagagawa ng nagiging grounded namimiss ang buhay sa labas.” Tumatawang biro ng kanyang kaibigan na alyas Rosie. Oo alyas Rosie kasi Rogelio ang kanyang tunay na pangalan. Gusto niya Rosie ang itawag ko sa kanya mula ng naging magkaibigan kami. Isa si Rosie ang tinuturing ko na kaibigan sa University dahil yung ibang kaklase ko ayaw nila sa akin kasi ayaw nila ang pagiging prangka at pagigigng mangatwiran. Kaya sanay na ako kapag tinataasan nila ako ng kilay, hindi naman nila ako magagalaw kasi isa si Daddy sa investor ng University kaya sanay na ako sa tawag nila na spoiled brat. “Rogelio ha tigilan mo ako kapag ako nainis sa sasabunutan kita diyan.” Banta niya sa kaibigan. “Ouchy naman beshy wag mo naman akong tawagin na Rogelio. Todo makep up ako dito at blush on tapos yan itatawag mo sa akin kairita ha!” Nakairap na sabi sa kanya ni Rosie. “Anyway musta naman si bebe Alex ? Naku namimiss ko na siya invite mo ulit ako sa house niyo gusto ko makita ang Kuya mo na yummy.” Kinikilig na comment ni Rosie. Matagal na niya crush si Kuya pero natatameme naman kapag kaharap na niya. “Anu ba nakita mo kay Kuya hindi naman yun pogi?” Tanung nito sa kanya. “Hay naku wala pakialamanan ng crush. Kaw nga kulang na lang ihain mo na ang sarili mo kay Kuya Adrian. Wa epek pa din,kinontra ba kita." Nanggigil na sabi ni Rosie sa kanya. “Siyempre iba yun noh. Halika ka na mahuli pa tayo,terror pa naman ang adviser natin sa thesis.” Yaya niya sa kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD