Adrian Santiago Matapos makausap si Adeline ay masigla na siyang nagsimula para magtrabaho. Talagang hindi nagiging kumpleto ang araw niya kapag hindi niya nakikita o nakakausap man lang ang asawa. Ito talaga ata ang epekto sa kanya ni Adeline. Sinadya niyang iturn over si Lovely kay Adeline dahil maliban sa hindi siya komportable kapag nasa paligid ang dalaga ay dinaan siya nito sa tamang proseso. Kaya magaan ang simula ng araw niya kasi alam niya na wala na siyang nililihim sa asawa. Kasalukuyan niyang binabasa ang mga proposal na nasa kanyang lamesa ng biglang tumunog ang kanyang mobile phone. Nakita niya sa screen ang pangalan ni Mr. Smith. Sigurado siyang gumawa na naman ito ng storya sa Ama kaya napatawag ito ngayon sa kanya. “Yes Mr. Smith.” Sagot niya sa tawag. “Adrian may I a

