Adrian Santiago Nakasimangot at hindi maipinta ang kanyang mukha habang hila siya ni Adeline para pumunta sa kanilang dining area. Hindi dahil sa hindi niya gustong kumain o ang mga pagkaing nakahain. Nababad trip siya kasi hindi niya masosolo ang asawa niya ngayong gabi. Dahil kilala niya ang kanilang mga magulang lalo na ang kanilang mga Ina. Yes ang kanilang mga Ina na matalik na magkaibigan na, kapag nagsama at nagkuwentuhan ay parang walang bukas.Isasama pa nila ang asawa niya na hindi makakatanggi sa kanila. Nagpaabiso na ang kanilang mga magulang na sa kanila ito matutulog kaya nagpapahanda sila ng midnight snack. Sira na naman ang moment nila ni Adeline dahil sa pagdating ng kanilang magulang. “Aba anak kahit sino atang pintor hindi kayang ipinta ang mukha mo, hindi ka ata mas

