“Thank you,for your application expect our call for this week”Sinabi ni Adeline sa applicant na ininterview niya.
“Beshy tapos ka na ba maginterview breaktime na”yaya sa akin ni rosie dahil sa expansion ng company ni kuya nagsagawa kami ng one day job fair dito sa lobby ng company kaya marami ang dumagsang aplikante at nakipagsapalaran na matanggap sa isa sa mga matatag na company ang A&A corporation na naging kilala sa larangan ng construction hindi lang sa Pilipinas kung hindi sa buong mundo. Sa 6 na taon ng company masasabi ko na malayo na ang nararating nito kaya pagkagraduate ko kinausap ako ni kuya na sa company na lang niya ako magtrabaho since halos bago lang ang operation nito nung naggraduate ako kailangan nila ng mga fresh ideas na magsupport sa kanilng company kaya pumayag ako para matulungan na din si kuya sa company nila at pati si rosie sinama ko na din para hindi na siya mahirapan maghanap ng trabaho.
Sa kasalukuyan ako ang head ng HR department ng A&A Corp,since na nagsimula ako dito hindi ko na nakita pa muli si Adrian 5 years na din ang lumipas at wala na ako balita sa kanya,kahit magkasosyo sila ni kuya dito hindi siya napunta dito at si kuya ang namahala sa buong company ang sabi lang ni kuya sa akin si Adrian ang namamala ng expansion nila sa abroad lalo na sa Canada kung saan ang 2nd Main branch ng A&A corp.Sabi ni kuya ay pauuwiin niya daw si Adrian to take over the company kasi magleave siya since malapit na manganak si ate yasmin.
Oo may asawa na si kuya,Kaya nung sinabi niya sa akin na uuwi na daw si Adrian wala naman na ako pakialam hindi na ako ang dating Adeline na makita pa lang likod nito eh para sinisilihan ang pu**t sa kilig.
Kahit 5 taon na ang nakalipas hindi ko pa din malilimutan lahat ng sinabi niya sa akin kaya kung darating man siya siguro naman magiging civil lang ako sa kanya at hindi mawawala ang employer and employee relationship.
“Halika Rosie grab our snack, nakakagutom grabe hindi ko naman akalain na ganito karami ang dadagsa ngayon”yaya ko kay rosie
“Siyempre beshy minsan lang magpa job fair ang company kaya dagsa talaga sinung tao ba naman ang hindi susubok noh”sagot ni rosie
“Beshy balita ko pabalik na daw si Sir Adrian ng Pilipinas to take over the company for a while anung nararamdaman ko”biglang tanung sa akin ni rosie habang nagmimiryenda kami
“Hello anu ba dapat maramdaman, at meron ba dapat maramdaman ha rosie” mataray kong sagot kay rosie
“Wow bitter ang ateng umamin ka may gusto ka pa sa kanya noh”pangaasar ni rosie
“Hay naku rogelio to be honest wala na yun hindi ako bitter siguro tama yung sinabi niya sa akin na infatuation lang ang lahat na nararamdaman ko kapag naalala ko nga yung mga nagawa ko bigla akong nahiya at hindi ko maimagine na nagawa ko ang mga bagay na yun before”
“Sus talaga lang ha labas naman sa ilong eh tingnan mo nagkukunwari ka lang ok lang naman na aminin mo at tayo lang naman dalawa makakaalam like before”pamimilit ni Rosie sa akin
“Wala na nga rosie past is past part na lang si Adrian ng mga teenage infatuation ko wala naman na ako galit sa kanya sa mga nasabi niya sa akin,before iniiyakan ko ang talaga ang sakit, tapos parang akong aso na humahabol sa kanya and head over heels ang pagibig ko to the point na hindi ko namalayan na nawalan ako ng respect sa sarili ko and narealize ko lang ngayon, kung hindi nangyari yun wala ako ngayon sa kinatatayuan ko”mahabang paliwanag ko dito.
“Talaga beshy eh bakit until now wala ka pa din jowa siguro inaantay mo pa din siya noh”pagtutudyo nito sa akin
“Hay naku rosie parang naman hindi ka saksing buhay kung paano ako bakuran ni kuya grabe kung kailan ako nasa legal age tiyaka siya naghigpit sa akin remember si Paul yung nakilala natin nung pumunta tayo ng mall db nung umakayat ng ligaw sa bahay si kuya tinakot niya ito nung nalaman na wala trabaho tandem pa sila ni daddy, db meron pa nung pinahabol niya kay Bruno yung aso,namin si Thomas nung pumunta rin sa bahay para manligaw,napaka epic nung ginawa ni kuya, nagalit pa nga ako sa kanya kasi paano kung nakagat yun ng aso problema pa namin, ang sagot ni kuya niloloko lang daw ako nun at kilala niya si Thomas at isa sa mga empleyada niya jowa nun,dumating sa point na lahat ng manliligaw ko ay tinatakot at pinipigilan nila ni daddy kaya nga kinausap ko na sila bakit ganun ang ginagawa nila at ang epic ng sagot nila beshy ayaw daw nila ako mapahamak at ayaw nila kung sinu sinu lang magiging jowa ko daw, kaya tanung ko nga sa kanila sinu ba gusto nila para sa akin,ang sagot nila basta sa tingin nila na maaalagaan at mamahalin ako nung lalaki sila daw mismo ang magkukumbinsi na magasawa ako,diba kung hind ba naman sakit sa ulo ang tanden ng dalawa na yun tapos magtatanung ka sa akin ngayon kung bakit wala akong bf”bumuntong hinga kong sagot kay rosie
“Oo nga noh girl sabagay hindi mo sila masisisi na higpitan ka kasi nga naman only girl ka lang nila gusto nila na ipagkakatiwala ka nila sa alam nila na aalagaan ka nga oh!siya goodluck na lang sa love life mo sana maranasan mo din ang luto ng diyos hahahaha so yummy”malanding tugon ni rosie,may kasalukuyang karelasyong itong afam at alam ko naman na mahal nila ang isat isa kung titingnan nga naman si rosie isa na itong transwoman mas maganda pa nga sa akin inipon niya ang 1 year niyang sahod para lang makamit ang gusto niya at masasabi ko na worth it naman.
Bahala na si god sa akin kung sino sa tingin niya na para sa akin willing akong magantay sa ipapadala niya