“Mom bukas po yan pasok po”sabi ko kay mom
“Hi princess, ito na milk mo, namiss ko ito yung tinitimplahan ko kayo ng kuya mo ng gatas bago kayo matulog,mabilis talaga ang panahon at malalaki na ang mga baby ko at magkakaroon na din ng addition sa family soon”sabi ni mom sa akin habang inaabot ang baso ng milk sa akin na agad kong ininum habang mainit.
“Hay naku si mom, pahug nga po,namiss po kita, kayo ni dad”at niyakap ko ng mahigpit si mom at pakiramdam ko I’m home at last.
“So hows my princess,pinapahirapan ka ba ng kuya mo sa company”
“Nope hindi naman po masyado mom,actually nageenjoy nga po ako sa trabaho ko sa company nila kuya,nasanay na din po ako sa pagiging strict at masungit ni kuya hahahhah”masayang pagkukuwento kay mom
“Really,sabagay yun nga ang mga naririnig namin ng daddy mo sa mga empleyado na hiniram ng kuya mo sa company natin kapag bumabalik na sila,and were proud of it kasi tingnan mo naman ang successful na ng A&A corp.”
“Oo nga po pala mom yung mga bisita po niyo nakaalis na po ba,nakakhiya naman po baka iniwan niyo po sila para sa akin”tanung ko kay mom
“Actually paalis na sila nung dumating ka kaya,don’t worry princess”napanatag ako sa narinig
“Anyway princess nasabi pala nila na malapit na umuwi si Adrian,alam mo ba yun”
Tanung sa akin ni mom,walang alam ang parents ko sa nangyari sa amin ni Adrian 5 years ago,si kuya lang ang nakakaalam at ang nagcomfort sa akin.Ayaw ko na maalala ang mga yun at nakapagmove on naman na ako.
“Nasabi nga po sa akin ni kuya pero hindi ko po alam kung kailan”simpleng sagot ko kay mom
“I see,then how was it,hindi kaba excited dahil uuwi na ang ultimate crush mo”may pagtutudyong tanung sa akin ni mom
“Mom!matagal na po yun, siyempre marami ng nagbago at nangyari baka nga may gf na yun or asawa”
Bigla akong may naramdamang lungkot nung nasabi ko ang mga yun,siyempre I have to condition my self sa mga possible na puwede mangyari for 5 years na wala siya dito sa bansa.
“Talaga,nakapagmove on kana so wala na sa iyo kung sabihin ko na may asawa na ito.”
Bigla akong napatingin kay mom at tinitimbang ko kung nagsasabi siya ng totoo,kilala ko si mom hindi ito basta basta magbibitaw ng salita kung wala siya proof.
“Oh natahimik ka akala ko ba nakamove on kana,actually kanina ko lang nalaman nung dumalaw ang parents niya, kasi nga pauwi na si Adrian at gusto na daw nito makasama ang asawa na naiwan pala dito sa Pilipinas kasi nung pumunta siya sa Canada hindi pa niya puwede ito isama”
Napaisip ako bigla sa mga nangyari 5 yrs ago,kaya ba ganun na lang kung pagtulakan niya ako palayo sa kanya kasi kasal na sila ni Erica at dahil din paalis siya papuntang canada kaya pinakasalan na niya ito,sabagay after ng mga nangyari wala na akong balita sa kanila,sinadya kong hindi makibalita kahit kay Adrian sa mga nangyayari sa kanya kahit na si kuya walang nababanggit sa akin na may asawa na ito bago pa siya umalis ng bansa.
Teka nga pala anu naman pakialam ko kung may asawa na siya diba nga nakapagmove on na ako magsama sila ni Erica bagay nga sila
“Oh bakit nakasimangot ka diyan princess”tanung ni mom sa akin at bigla akong napatingin sa pinto nung may kumatok at pumasok si dad.
“Andito pala ang aking reyna at prinsesa,how are you my princess,daddy miss you so much alam mo ba yun”sabay yakap ni dad ng mahigpit,ngayon ko lang talaga narealize na matagal na ako hindi nakakauwi dito at ramdam ko ang pagkasabik nila sa akin
“Miss you too dad,don’t worry madalas akong uuwi dito kapag weekend para makasama ko kayo kasi kapag nanganak si ate yasmin hindi na ako ang baby niyo”
Tinawanan lang nila ako pareho sa sinabi ko at nagsimula na kami magkuwentuhan tulad ng ginagawa namin nung maliit pa ako kung anu anu yung mga ganap sa akin,tapos sila din naguupdate sa akin kung anu na nangyayari dito sa bahay.
“Oh siya tulog ka princess,I know you’re tired at marami pinagawa sa iyo ang kuya mo ngayong araw”Sabi ni dad at sabay nila akong hinalikan ni mom sa ulo.
“Good night mom and dad”at lumabas na sila pareho sa aking kuwarto at tuluyang ng pinikit ang aking mga mata.
Kinabukasan nararamdaman niya na parang may kumikiliti sa ilong niya my god isang tao lang ang gumagawa sa akin nito
“Kuya naman eh inaantok pa ako, tigilan mo nga yung pangingiliti sa ilong ko”sabay hampas sa kamay nito na walang atang balak itigil ang pangingiliti kaya napilitan akong dumilat at sumimangot sa kanya
“Good morning baby sis,paano mo nalaman na ako ang nangingiliti sa ilong mo” nakakalokong tanung nito sa akin
“Kuya kaw lang naman ang nagawa niyan sa akin pampagising mula dati pa lalo kapag tinatamad akong bumangon para pumasok sa school”
“Kaya namiss kita baby sis eh wala na akong makiliti ang ilong hindi ko puwede gawin yung kay yasmin naku suntok abot ko”
“Takusa ka kasi kuya hahhha”pangaasar ko dito
“Kasama mo ba si ate yasmin kuya”tanung ko kay kuya
“Oo nasa baba kasama nina mom hindi ko na pinaakyat para hindi masyado mapagod,nalaman ko kasi kay mom na andito ka sa mansyon kaya nagyaya si yasmin na pumunta dito at namimiss ka na daw niya pati sina mom at dad kaya pumunta kami dito ngaung umaga, binuhat ko nalang siya papasok para hindi siya mapagod masyado.”
“Ganun ba tara na kuya baba na tayo gusto ko na makita si ate at mahawakan ang pamangkin ko”
Nakangiti akong bumaba kasabay si kuya sa sala kahit na inaantok pa ako.