Lunes na naman start ulit ng trabaho,dahil hindi ako gaano nakatulog kagabi sa mga nakita ko,napaisip tuloy ako kung talaga bang si Adrian yun o namamalikmata lang ako,bigla ko kasi naisip na imposibleng hindi malalaman ni kuya kung hindi ito uuwi at sigurado malalaman ko yun pero wala naman ako nareceive na tawag kay kuya
Pero parang siya talaga yun eh, likod pa lang ng lalaking nakita ko parang talaga si Adrian at yung babae na humalik sa kanya si Erica yun na kahit nakaside view parang siya.
Hay naku anu naman kung umuwi man siya or hindi bahala siya sa buhay niya basta ako nakapagmove on.
Natauhan na lang ako ng biglang bumusina ang sasakyan sa likod ko,my god!Adeline ito napapala mo sa kakaisip sa taong hindi ka naging mahalaga.Pagkapark ko nakita ko ang sasakyan ni kuya at nagulat ako na mukhang maaga siya ngayon.
“Good morning mam”bati sa akin ni mang tony ang matagal ng security guard dito sa company
“Good morning din po,napansin ko andyan na yung sasakyan ni kuya,kanina pa po ba siya pumasok”tanung ko kay mang tony
“Yes po mam,nagulat nga po ako kasi 6am pa lang dumating na po siya at dirediretso siya sa taas”
“I see,sige po thank you”
Pagkapasok ko sa office ay tamang tama namn na tumunog ang local telephone line at sinagot ko ito
“Hello good morning this is Adeline of Hr Department,may I know who’s on the line“
“Hello mam this is lenie of CEO’s office”pakilala nito akin
“Oh lenie napatawag ka,any concern”
“Yes mam,nagpatawag po kasi ng management meeting si sir ngayon na po, and actually po kayo na lang ang inaantay sa conference room.”
“Ah ganun ba ok sige paakyat na ako”
“Ok po mam thank you”at binaba ko na ang tawag,anu na naman kaya ang nakain ni kuya at nagpatawag ng napaagang meeting at hindi niya man lang ako tinawagan or tinext ng mas maaga kanina.
Napapaisip talaga ako kung anu ang pagmemetingan ng maaga,since ok naman ang status ng company of bago kami mag off at malalaman ko din naman kung may mag nagiging aberya.At dumating na ako sa conference room at pagpasok ko nagulat ako dahil totoo nga na ako na lang ang kulang.
Pero ang mas kinagulat ko ay yung isang tao na nakatingin sa akin,na animoy nagpapahiwatig ng pangungulila at kasabikan na any time ay sasalubungin ako ng yakap at nagbigay sa akin ng kaba at awkwardness na pakiramdam.
Natauhan lang ako ng tumikhim si kuya at bigla ko iniwas ang tingin kay Adrian, Oo siya nga, ang taong nanakit sa akin ay andito na ulit sa aking harapan pagkatapos ng 5 taon.
“Have a sit Ms. Sarmiento,Sorry for the short notice of this meeting” sabi ni kuya at pasimple akong tumingin sa upuan kung meron pa ba available na upuan sa likod pero occupied na lahat kaya no choice,dito ako umupo sa tapat mismo kung saan si Adrian nakaupo dahil ito na lang ang bakante at naiilang pa naman ako kasi ramdam ko ang pagtitig sa akin ni Adrian na parang pinaaaralan ang kabuuan ko
“Bro baka matunaw naman si Ms. Sarmiento awat na”panunukso ni kuya dito kaya nagtawanan ang lahat ng tao dito sa loob, kaya bigla ako nahiya at alam ko na aasarin na naman ako ng mga ito pagkatapos ng meeting.
“Sorry Bro hindi mo ako masisi,its been 5 yrs since I last saw her and she grew up being beautiful and fine lady”bigla sabi ni kuya na kinapula ng mukha ko at panunukso ng mga tao sa loob na naging sanhi ng ingay sa conference room
“Ok ok that’s enough at nahihiya na ang baby sis ko,mamaya na kayo mag catching up bro and we have to proceed in our agenda today”
Nung narinig ko yun ay tiyaka lang ako naging at ease,hindi ko sinasadya na napatingin ako kay Adrian at nakita ko na may nakakalokong ngiti ito sa kanyang labi kaya I just rolled my eyes to him.
At nagsimula na akong makinig sa agenda ng meeting, na pagsisimula sa naging status ng company for the last 5 years bilang pagupdate kay Adrian since andito siya ngayon,then the progress and the on going expansion and additional man power kaya nireport ko din ang status ng mga empleyado and mga incoming benefits and bonuses for outstanding employee.
Napagusapan din ang pagleave ni kuya sa pagiging CEO para paghahanda sa pangananak ni ate yasmin at paghalili ni adrian sa company habang nakaleave ang huli.
“Ok that all for now and my pinahanda nga pala akong food sa pantry area pawelcome natin kay Mr. Santiago para sa kanyang suprised arrival dito sa office,Thank you”
At isa isa na nga nagalisan ang mga tao sa conference room at nung ako ang lalabas ay bigla akong tinawag ni Adrian
“Yes”sagot ko dito
“Hmmm, How are you”tanung nito sa akin
“As you can see, I’m ok Mr. Santiago,(at nakapagmove on na sa iyo) idudugtong ko pa sana,“anything else”tanung ko dito pero bigla nagtanung si kuya
“Bro musta na,nagkita na ba kayo ng asawa mo”dinig kong tanung ni kuya na nagbigay intresado sa akin,hindi ko pinapahalata na nagaantay ako ng sagot dahil inaayos ko pa gamit ko
“Oo pero parang nga hindi siya masaya na nakita ako”sagot nito na nagpakunot ng noo ko eh kagabi lang nakita ko ng hinalikan siya ni Erica at niyakap,pinagloloko ba kami nito sabi ko sa sarili ko
“Namiss ka lang nun Bro, at nagpapalambing lang yun kaw naman parang hindi mo alam ang mga babae ganun talaga,diba baby sis.”
Biglang tanung sa akin ni kuya
“Aba ewan ko,bakit ako tatanungin mo”masungit kong tanung kay kuya
“Oh tingnan mo nagsusungit ka agad baby sis aga aga,”pangaasar ni kuya sa akin na kinainis ko lalo.
“Bro ininis mo naman baby girl ko”na kinalaki ng mata ko sa gulat ng tinawag niya sa akin.
“Excuse me,Mr. Santiago walang sa iyo. dahil hindi mo ako pagaari”mataray kong sagot dito,pero nakita ko ang pagngiti niya na may bahid ng lungkot
“Why are you in a relationship”pagtatanung sa akin ni Adrian na parang nagpipigil ng galit because of his close fist,sasagot sana ako pero biglang sumabat si kuya.
“Naku bro manliligaw nga wala bf pa kaya,kaya, 100% sure single pa yan”biglang sagot ni kuya na bigla kinontra ko dahil ayaw ko magmukhang kahiya hiya sa harapan ni Adrian
“Paano mo nalaman kuya na wala akong manliligaw siyempre meron noh,ngayon pa na may blessings na ako from dad”pagsisinungaling ko dito na nagpagulat kay kuya at lalong nagpagalit kay Adrian dahil lalong nagpasalubong ng kilay nito.
Bahala na basta ayaw ko magmukhang kawawa sa harap ni Adrian mamaya isipin pa niya inaantay ko siya.
Nagpaalam na akong lalabas at hindi ko na nagugustuhan ang aura sa loob ng conference room.