Chapter 8

1078 Words
“Bye Mam Ade see you in monday”paalam ng mga staff ko sa akin after namin mag team dinner na treat sa amin ni kuya oo nga pala weekend ulit bukas san anu naman kaya ang magawa “Girl una na ako ha nasa condo na daw si afam kaya lam mo na ha wag mo akong tatawagan this weekend”pagbibiro sa akin ni rosie “Oo na kaw na may jowa galingan mo ang performance hahahha”balik na biro ko dito na sabay namin na kinatawa. Talagang alam na alam ni rosie na kapag naiinip ako siya ang tinatawagan ko kaya inunahan na ako kaya napailing na lang ako Tutal wala naman ako pasok bukas kaya nagdecide ako umuwi sa mansyon para makasama ko sina mom and dad. May sarili naman akong condo kung saan regalo ng parents ko nung nagdebut ako,Sinimulan ko itong tirhan nung nagstart akong magtrabaho sa company nila kuya kasi mas malapit kung doon ako manggagaling kesa sa mansyon. Pero kahit may sarili akong condo naging constant tenant ko si kuya doon, hindi ko nga maintindihan kung bakit yun nakitira sa akin eh may sarili naman siyang condo. “Kuya anu ginagawa mo dito”bungad ko kay kuya nung pagbukasan ko ng pinto at nakita ko na may mga dala siya gamit na parang may balak siyang tumira dito kasama ko “Bakit baby sis hindi ba ako puwede pumunta dito, siyempre kailangan kung asan ka andun din ako para mabantayan kita,mahirap na baka may makalusot” “Seriously kuya,ginagawa mo naman akong bata eh sina mom and dad nga pumayag na umalis ako ng mansyon tapos kaw dito ka titira, may sarili ka naman condo ah”reklamo ko kay kuya “Alam mo baby sis kaya sila pumayag kasi sabi ko titira ako kasama kita,kung ayaw mo maniwala go ahead call them”pag dare nito sa akin na ginawa ko naman “Hello mom si kuya po bakit andito akala ko pumayag kayo ni dad na dito ako titira sa condo”reklamo ko kay mom “Princess actually hindi talaga kami panatag na magisa ka lang diyan, your still our baby princess kaya nung nalaman ng kuya mo na gusto mo na tirhan ang condo mo nagprisinta ang kuya mo na samahan ka diyan,sorry princess,I know you want to be independent and were proud of it kaya lang bilang magulang hindi pa din nawawala ang pagaalala namin lalo only princess ka namin” “Ok po mom I understand love you and take care po”at binaba ko na ang tawag at nakita ko ang pagtaas ng kaliwang kilay ni kuya na tila nagsasabing“I told you so”kaya wala akong choice kaya kasama ko siya dito sa condo Magkasama kami ni kuya dito sa condo for 4 yrs tuluyan lang siya umalis dito nung nagpakasal si ni ate yasmin,pero kahit hindi na kami magkasama ay nakamonitor pa din siya sa akin na nakasanayan ko na din. Nanibago nga ako nung nagiisa na lang ako sa condo bigla ko namiss si kuya kasi alaga akong asarin nun pero kahit ganun si kuya mahal na mahal ko yun dahil sa pagaalaga niya sa akin. Pinagbuksan ako ng gate ni tatay dado yung security guard ng mansyon matagal na ito naninilbihn sa amin kaya parang pamilya na namin ito. “Aba Adeline kaw na ba yan, abay kay tagal mo hindi napapadalaw dito sa mansyon”bungad sa akin ni tatay dado “Tatay dado naman ako lang ito, sobra ba akong naging maganda kaya hindi niyo agad ako nakilala” At pinasok ko ang sasakyan sa loob pero nagtaka ako kasi may ibang sasakyan na nakapark,may bigla atang bisita sina mom and dad, sana hindi ako wrong timing,hindi pa naman ako tumawag na dito ako uuwi sa mansyon. Kaya tumuloy na ako sa loob ng mansyon at nagulat ako ng makita ko kung sino ang bisita ng magulang ko. “Princess you’re here hindi ka nagpasabi na dito ka uuwi ka dito,nagpaluto sana ako ng favorite dish mo”salubong sa akin ni mom nung nakita akong pumasok “Ok lang mom kumain na kami ng team ko sa labas kasi nanlibre si kuya,Hi dad”bati ko din kay dad at hinalikan ko ito pisngi. “Princess you remember them,si Mr and Mrs Santiago”pagpapakilala sa akin ni dad sa bisita nila Puwede ko ba naman na hindi ko sila kilala,kasi sila yung sinabi ko dati na magiging in laws ko, dahil sila ang parents ni Adrian, pero dati yun hindi na ngayon at isang alaala na lang si Adrian ng aking kabataan.Nasabi ko na lang sa aking sarili “Siya na ba si Adeline,dalagang dalaga ka na ah tiyak matutuwa si Adrian kapag nagkita kayo ulit”sabi ni Mrs Santiago Hindi na ako nagcomment sa sinabi nito at magalang na lang ako nagpaalam sa kanila at sinabing magpapahinga na ako sa kuwarto. “Hmmm sige po akyat na po mom,dad akyat na ako sa room ko po and nice to see you po ulit Mr.and Mrs Santiago”at nauna na ako umakyat sa aking kuwarto at sinabi na lang ni mom na magaalakyat siya ng gatas sa room ko mamaya at tumango na lang ako bilang pagsang ayon ko sa kanya. Pagpasok ko sa kuwarto tiyaka ko naramdaman na ang pagkamiss ko sa lugar na ito,ang aking safe haven, parang may sariling isip ang kamay at paa ko kasi nakita ko nalang ang sarili sa harap ng cabinet kung saan ko tinago lahat ng alaala ko kay Adrian. Pagbukas ko nakita ko ang isang kahon kung saan nakalagay lahat ng bagay na may kinalaman kay Adrian,ang mga stuff toys,mga bulaklak na natuyo na sa tagal ng panahon, natawa ako even yung plastic ng mga chocolates na binigay nito sa akin nakatago din pala,natatawa na lang ako sa mga pinaggagawa ko dati. Pero bigla kong natigilan nung nakita ko ang picture namin na kuha nung debut ko napagwapo ni Adrian sa picture kaya hindi ko masisisi ang old self ko na mabaliw dito “Anu nga ba ang unang gagawin ko kapag nagkaharap tayo ulit,hindi ko pa din nalilimutan ang mga sinabi mo sa akin 5 years ago,hindi ko alam kung makakaya ko ng magpatawad” Dahil sa pagkatok at pagtawag ni mom kaya nagmamadali akong ayusin at itago ang kahon kung saan ito nakalagay at nakatabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD