Chapter 4

1086 Words
Adeline Sarmiento Hindi ko alam kung ano ang dapat ko maramdaman. Dahil ata sa alak kaya naging malakas ang loob ko para sabihin ang nararamdaman ko kay Adrian. Totoo naman ang lahat ng iyon. Alam ko bata pa ako pero sana hintayin niya ako dahil siya lang ang gusto kong makasama habang buhay. Buti na lang pala lasing si Kuya at nakatulog hindi niya narinig at nalaman lahat ng sinabi ko kay Adrian. Pasensya na Kuya pero mahal ko talaga siya. Sabi nito sa kanyang sarili. Napabalik lang siya sa kanyang kamalayan ng may kumatok ang kanyang Ina sa kuwarto. "Mommy pasok po." Sagot niya sa Ina. "Princess masama daw pakiramdam mo kaya hindi ka bumaba para magbreakfast." Nagaalalang sabi ng kanyang Ina. "Mommy masakit lang po ulo, Naparami ata nainum namin ni Rosie kagabi." Pagdadahilan niya sa Ina. Pagkatapos ng nangyari kagabi ay dumiretso na siya sa kanyang kuwarto. Umaga na ng nagpaalam si Rosie para umuwi sa kanla. Kahit sa kaibigan hindi niya sinabi ang nangyari sa pagitan nila ni Adrian. Tulad ng inaasahan tinanung siya ng kanyang kapatid kung anung oras umalis ang kaibigan nito na si Adrian. Kaya sinabi nito ang mga detalye ng pinuntahan siya ng kapatid sa kuwarto. Ayaw niya lang makaharap ang Kuya niya sa hapag kaya nagdahilan ito na masama ang pakiramdam pero ang huli pinuntahan siya ng kapatid dahil nagaalala ito sa kanya. "Mommy nakaalis na ba si Kuya?" Tanung ni Adeline sa Ina. "Oo pagkatapos ka niyang puntahan dito ay umalis na at magkikita daw sila ni Yasmin." Sagot nito sa kanya. Tango lang ang binigay niyang sagot sa Ina. Bigla siyang nainggit sa kanyang kapatid. Buti pa ang kanyang kapatid ay girlfriend na ngayon ang dating pinapangarap nitong babae. Simpleng babae lang si Ate Yasmin. Nahihiya nga siya sa amin nung pinakilala ito dahil laki siya sa hirap at sa inampon ng mga madre. Ang nakakatuwa sa aming magulang ay hindi sila katulad ng ibang mayayaman na mapagmata at minamaliit ang taong hindi nakakaangat. Kaya masaya ako kay Kuya kasi natagpuan na niya ang taong gusto niyang makasama sa buhay. "Oh Kumain ka na anak para makainom ka na ng gamot." Sabi ng kanyang Ina. "Opo Mommy." Sagot niya dito. Kaya lumabas na ng kuwarto ang kanyang Ina para daw siya ang makapagpahinga ng ayos. Sa ngayon ang magfofocus muna siya sa pagaaral. Dahil gusto niya na magiging proud sa kanya si Adrian. Alam niya na hindi pa nila panahon ngayon pero handa niyang antayin kung kailan puwede na niyang matawag na sa kanya si Adrian. Isang linggo na ang lumipas, Habang naglalakad siya papasok ng University nakita niya si Rosie na sinalubong siyang nakakunot ang noo. "Oh bakit ganyan itsura mo?" Tanung nito kay Rosie. "Kaw beshy dapat ang tanungin ko niyan bakit ganyan ang itsura mo ha?" Nakakunot ang noo na tanung nito. "Bakit?" Nagtataka niyang tanung. "Paano ba naman isang linggo ng hindi maipinta yang mukha mo." Sagot ng kanyang kaibigan. "Wala ito, wala ako sa mood." Sagot nito. At nakita niya ang pagtaas ng kilay ni Rosie, indikasyon na hindi ito naniniwala sa kanyang sinasabi. "Oo na. Si Adrian kasi." Sagot niya. "Sabi na eh! Bakit anung meron kay yummy Adrian." Sagot nito sa kanya. "Isang linggo ko na siyang hindi nakikita. Pagtinatanung ko si Kuya sabi niya busy daw ito." Nakasimangot nitong amin sa kaibigan. "Oh! yun naman pala busy. Eh diba aware ka naman na nagsisimula na ang negosyo nila. Kaya talangang busy na yun." Sagot sa kanya ni Rosie. Bigla siyang natahimik at napaisip. Oo nga naman magkaiba sila ng priority ni Adrian sa ngayon. Kailangan intindihin ko siya. Sa ngayon kailangan pagtuunan ko ng pansin ang aking pagaaral at ilang araw na lang naman ay magtatapos na ako. "Oh! Anu beshy natauhan ka na ba?" Tanung sa kanya ni Rosie. Napabuntong hininga na lang siya bago sumagot sa kaibigan. "Oo dapat maintindihan ko na magkaiba kami ng Adrian ng priority." Sagot nito sa kanya. "Wow! jowa ang peg, Kayo na ba? hulaan ko hindi at sa panaginip mo lang yun." Pagbibiro ni Rosie sa kanya. "Rosie naman eh!" Saway nito sa kaibigan. "Beshy alam mo naman na support kita lalo pagdating kay Papa Adrian pero hayaan mo na siya gumawa ng way huwag ikaw." Sabi ng kaibigan. Bigla niya tuloy naisip ang pagconfess niya kay Adrian sa nararamdaman niya. Kaya din siguro iniiwasan siya dahil sa nagyari. Nakakahiya nga pala ngayon ko lang narealize. "Ano beshy ok kana?" Tanung ni Rosie "Oo Thank you ha, Lagi kang andyan for me." Sagot niya sa kaibigan. "Oo naman kahit may pagka baliw ka minsan. Wala akong choice para tanggapin ka." Pagbibiro nito sa kanya. "Ah ganun ha. Sasabihin ko kay Kuya na huwag ka ng kunin para magtrabaho sa A&A company. Nirecommen pa naman kita." Pangaasar din ni Adeline sa kanya. "Wag naman ganun beshy. Hindi kana nasanay sa akin siyempre nagbibiro lang ako." Biglang sabi sa kanya ni Rosie. Kaya hindi nagtagal ay sabay silang dalawa tumawa sa kalokohan nila pareho. Masasabi talaga niya na kahit isang pusong babae lang si Rosie ay makikitaan ng pagiging tunay na kaibigan dahil sa husay ng pakikisama nito. "Hay naku tara na nga pasok na tayo baka andyan na yung professor natin." Yaya ni Adeline kay Rosie Kaya sabay na silang dalawa naglakad habang nagkukuwentuhan papunta sa kanilang klase. Pagdating sa classroom nila ay naabutan niya ang pagiingay ng mga classmate nila dahil nagannounce ang Dean nila na hindi daw makakarating ang professor nila at nagka emergency. Kaya nagdecide silang dalawa na pumunta na lang sa mall dahil isa ito lang naman ang subject na dapat ay papasukan nila. Pagpasok nga nila ng mall ay nagsimula sila ni Rosie maglakad lakad. At hindi nga nagtagal ay nakita nila si Erica na may kasamang ibang lalaki na nakaakbay dito. Pupuntahan niya sana ito para komprontahin pero pinigilan siya ni Rosie. "Beshy hayaan mo na, Huwag mo ng puntahan yan." Sabi sa kanya ni Rosie "Kita mo naman may relasyon sila ni Adrian pero may kaakbay na ibang lalaki." Galit na nito sa kanya. "Oo nga beshy pero pinsan niya yun." Sabi nito sa kanya na kinagulat niya. "Paano mo nalaman." Nagtatakang tanung niya dito. "Dahil kay Eric. Kasama niya yan nung isang araw nung nasalubong ko sila para mamili. Kaw talaga umandar na naman pagiging amasona mo" Sabi nito sa kanya habang naiiling. Kaya bigla siyang natahimik at naiisip niya dapat talaga hindi siya nagpadalos dalos tulad ng pagconfess ko kay Adrian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD