NATIGILAN si Hunter nang makita kung sino ang paparating. Walang iba kundi ang lalaking kinabaliwan ng kanyang ina. Ang lalaking naging dahilan kung bakit ito namatay. Tahimik siyang umiinom sa isang kilalang disco bar. Napakuyom s’ya sa kanyang kamao dahil papalapit sa kanya si Apollo na akala mo ay malapit sila sa isat-isa. Ito ang unang beses na nakaharap n'ya ang ama ni Ezekiel. “Can I join you?” tanong nito sa kanya. “Kapag ba sinabi kong ayoko ay uupo ka pa rin?” tanong n’ya sa lalaking kaharap. “Oo,” sagot nitong umupo sa katapat niyang upuan. “Pinahanap kita Hunter dahil gusto kitang makausap,” wika sa kanya ni Apollo. Matikas pa rin ang katawan nito. Hindi lamang s’ya galit kay Ezekiel kundi galit din s’ya sa ama nito. “Wala akong panahon sa’yo Mr. Villareal,” sagot niyang

