Sa sobrang lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na nasa restaurant na pala ako. Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Pagkalingon ko nakita ko si Shai. Balak ba akong patayin nito ng maaga?
"Ang lalim yata ng iniisip mo baka malunod ka."
"Ha? Bat mo naman na tanong?"
"Tinawag kita kanina pero mukhang hindi mo ako narinig." nagtatampong wika nito.
Ganun ba?
"Sorry may iniisip lang talaga ako." pagdadahilan ko.
Nagulat ako sa binalita sa akin ni mama. Akala ko good news pero akala ko lang pala. Nakalabas na daw ng mental si James nabahala ako paano kung malaman ni mama yung ginawa ko sa kanya? Na baka magsumbong si James.
Ayokong makulong saka hindi ko pinangarap na manirahan sa kulungan. Saka baka mag iba yumg tingin ng mga tao sa akin.
Hindi ko sinadya. Nadala lang ako ng galit ko. Yung tipong gustong-gusto mo makitang dumadanak yung dugo sa sahug.
"Ano naman yun kanina ka pa kasi tulala." sabi ni Ches.
Hindi ko namalayan ang pagdating nya.
Nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa akin na para bang binabasa nya yung nasa isip ko. Kaya nag iwas ako ng tingin saka pekeng tumawa.
"Ano ba kayo ang O.A nyo tara na nga baka mapagalitan pa tayo kay Mrs De guzman."
Hindi ko na sila hinintay mag salita basta nauna na akong nag lakad.
Masyado ba akong halata? Kailangan siguro mag ingat ako.
May kapit ang pamilya ni James dahil yung papa nya ay isang gobernador dito kaya natatakot ako na baka pati sila mama at Shai ay madamay ng dahil sa akin.
Paniguradong kapag nalaman nila na ako yung may gawa nun sa anak nila malamang ay pahirapan nya ang buhay ko pati na din si nanay which is ayaw kong mangyari.
Kaya kailangan kong gumawa ng hakbang para mapatahimik ko si James.
"May problema ka ba girl?"
Napaigtad ako ng mag salita si Ches.
"O-oo naman bat hindi naman ako magiging okay." sabi ko at pekeng tumawa.
"Sigurado ka ba? Pwede kang magsabi sa amin." sabi nito.
Baka kamuhian nyo lang ako kapag nag kataon.
"Oo ok lang ako h'wag kang mag alala." sabi ko at tinapik sya sa balikat.
Hindi dapat ako magpahalata.
"Baks oh bigay mo na ito sa customer."
Kinuha ko sakanya ang tray na hawak nya saka sya nginitian.
Inilapag ko ito sa mesa ng isang lalaki.
"Sir this is your order." sabi ko sa kanya.
Tumigil ito sa pagtipa sa cellphone nito at malamig ako nitong tiningnan.
"Thanks you may leave." malamig na sabi nito.
"Enjoy your meal Sir." nakangiting sabi ko saka umalis para i serve ang panibagong order.
Nakita ko ang gulat sa mukha ni Shai at Ches ng makita ang lalaki.
Tss nakahanap na naman po sila ng bagong biktima.
"Isara nyo yung bunganga nyo baka tumulo yung laway nyo." asar ko sakanila.
"Oh my gosh totoo ba itong nakikita ko?" malanding tanong ni Ches.
"Malamang te alangan naman na nanaginip ka." sarkastikong sabi ni Shai.
"I can't believe na dito kumain ang isang gaya nya." kinikilig na sabi ni Ches.
"Huh? Ano naman ngayon?" nagtataka kong tanong.
Sabay nila akong binatukan.
"Gaga sya si Raign Callum Rizer ang pinaka mayaman sa buong pilipinas saka kilala ang pamilya Rizer sa pagiging matinik sa negosyo." paliwanag ni Ches.
"What do you mean matinik sa negosyo?" i ask.
"Rizer family have intimidating aura they were so powerful not only in the Philippines kilala din sila sa ibat-ibang bansa dahil madami na silang kompanya na binili at pinabagsak."
So? Malamang matapobre yan ganun naman yung karamihan sa mga mayayaman. Mataas ang tingin sa sarili at mayabang. Hindi ko naman nilalahat. Mayroon lang talagang taong ganun.
"Oh iabot mo ito kay Mister pogi. Swerte mo girl." parang bulate na sabi ni Shai.
Matapos kong inilagay ang order nya na cake ay tumalikod na ako. Pero napahinto ako ng tawagin nya ako.
"Miss?"
"Yes Sir what can i do for you?" magalang kong tanong.
"Can you give me the menu?"
Ha menu pero naka order na sya ahh. Kahit nagtataka ako binigay ko na lang. Tiningnan nya ito.
Ilang minuto na pero hindi pa din ito nakakapili.
"Too bad your not in the menu." nakangising sabi nito.
"What Sir?"
"Can i take you as my order?" tanong nito habang nakangisi.
Aba manyakis pala to ehh.
"Sorry Sir but im not a food."
"Too bad. Can i at least have your number?"
"What?"
"Are you deaf?" inis nitong sabi.
"I mean anong gagawin mo sa number ko?"
Alam ko na ito ilang customer na lalaki ang gumawa nito but they fail.
"I'm sorry sir but my number is my privacy." seryoso kong sabi.
"Okay i can have it anyway even if you don't want to give it." bulong nito.
"Can i leave now sir?" i ask in annoyance.
Kanina pa ako nakatayo dito. Pinagtitinginan na din kami ng mga tao.
"Yeah you may leave."
Mabilis akong humakbang palayo.
"Girl ano sabi sayo ni Reign?" excited na tanong Shai.
"Wala naman bakit?"
"Ano ba yan kung ako lang yun malamang magkukunwari akong nahimatay para saluhin nya ako." nakanguso nitong sabi.
Mabilis akong tumingin sa harap ng biglang may nabasag. Yung isang babaeng waiter nahimatay este nag kunwaring nahimatay sa harap nung Reign. Pero tiningnan lang nya ang babae saka sya tumingin sa gawi namin habang nakataas ang kilay.
Sinungitan ko din sya.
Kawawa naman yung waiter napahiya na nga natanggal pa sa trabaho.
"Gaga gusto mo bang magaya dun sa babaeng yun?" panenermon ko sakanya.
"Luhh hindi ahh bat naman sayang yung beauty ko kung iyan ang papatulan ko." sabi nito at lumakad
nag flip hair pa ito.
Bruha talaga kahit kailan.
Kawawa naman. Pero kasalanan pa din nya hindi nya maayos ginagampanan yung trabaho nya mas inuna pa ang landi.
Kung ako lang yu malamang tatarayan ko pa yun.
Kahit sana tinulungan man nya lang sana tumayo pero hindi nakatutok lang ito sa cellphone nito.
Kanina pa sya dyan hindi ba sya aalis?