Chapter 4

1053 Words
Anong idadahilan ko nanay nito? Kasalanan to ni Ches ehh. Pasado alas-dyes na ng gabi kami nakauwi. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Sana si ate ang mag bukas please lord. "Oh anak nag enjoy ka ba sa lakad nyo?" nakangiting tanong ni nanay Huh paano nya nalaman. "Po paano nyo po nalaman nay?" takang tanong ko. "Tinawagan ako ng kaibigan mo anak pinaalam ka nya sa akin." sagot ni nanay Paano nya nalaman yung number ni nanay? Bahala na. Pagkapasok ko palang ay bumungad na sa akin ang sigaw ng batang makulit. "Ateeeee kong maganda." sigaw ni rein habang tumatakbo palapit sa akin. Kaagad ko naman syang binuhat. "Bat gising pa ang batang makulit?" tanong ko "Hayy naku ayaw nyang matulog gusto daw nya na hintayin ka." sabi ni mama "Kasi naman ate eh." nakalabing sabi nito. "Ikaw talagang bata ka." "Hmm, eto sayo binili ko ito para sayo." sabi ko at binigay sakanya ang dalawang paper bag. Kaagad naman syang bumaba at excited na tiningnan ang laman ng mga paper bag. Nagningning ang mga mata nya ng makita nya. "Wow ate, Talaga bang akin lahat ng ito?" tanong nito. "Oo naman sayo yan kasi napakabait mong bata." Halatang hindi ito makapaniwala. "Pero dapat hindi araw-araw ang pagkain mo nyan Rein baka sumakit ngipin mo." paalala ko sakanya. "Opo ate saka bukas magdadala ako bibigyan ko din si Alex ng chocolate kasi hindi sya binibigyan ng baon." sabi nito at pinaglaruan ang mini truck na bili ko. "Tulog na si Ate ha matulog ka din ng maaga." Pagkarating ko sa kwarto ko ay kaagad akong humilata sa kama dahil sa sobrang pagod. Isa-isa kong tiningnan ang mga paper bag na bigay ni Chesca. Saan ko naman ilalagay tong mga to? tanong ko sa sarili. Puro mga damit,pabango at kung ano-ano pang ginagamit pampaganda. Kukuha na lang ako ng ilang make up tas ibibigay ko kay ate yung iba. Hindi naman ako mahilig mag ayos ng sarili. Ginawa ko muna ang routine ko sa gabi. Pabagsak akong humiga dahil sa pagod. Kinuha ko ang cellphone na bili ni Chesca sa akin. Ito yung bagong labas na iphone. Sinubukan kong i try yung camera. Napaka ganda. Hindi din sya malabo. Yung isa naman binili nyang cellphone ay Vivo. Mas pamilyar ako sa Vivo kaysa sa iphone. Hindi ko alam kung paano ito gamitin. Ibibigay ko na lang kay Rein yung dati kong cellphone. Ipinasa ko muna yung mga mahahalagang documents. Ano naman gagawin ko dito sa iphone na ito. Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatitig sa kisame. Wala naman pinagbago kisame pa rin naman sya. Hayssst. Hindi ako makatulog. Ilang beses na akong nag balibaligtad sa kama ko pero walang effect. Kaya ang ending kinuha ko yung phone ko. Online pa ang gaga. From Chesca: " bat gising kapa teh?🤨" To Chesca: "Kasi hindi pa ako tulog." Habang hinihintay ko yung reply nya nakita kong nag chat si Shai sa gc namin. Samahan ng mga tigang: Shai:"May chika ako sa inyo." Syempre dahil marites ako ay nag tanong ako kung ano yun. Samahan ng mga tigang: Me:"Ano yun?" Samahan ng mga tigang: Ches:"ANO YUN?🧐 Halos sabay pa kami ni Chesca na nag reply sa message nya. Samahan ng mga tigang: Shai:"May poging nag ayang makipsg date sa akin at guess what anak sya ni Mrs: De guzman yung boss natin." Ano pa nga ba. Araw-araw naman syang may bagong ka date. Para lang syang nagpapalit ng damit kung palitan yung mga boyfriend nya pero in fairness never nyang iniyakan at hinabol ang isang lalaki. May motto daw kasi sya sa buhay. "NEVER KNEEL AND BEG JUST FOR A MAN." Hindi ko alam kung saan-saan nya napupulot yung mga nakakadate nya. Halos lahat ng nakaka date nya ay mas bata sakanya ayaw daw kasi nya ng matanda maaga daw namamatay. Samahan ng mga tigang: Ches:"Sino doon teh?" Samahan ng mga tigang: Shai:Yung masungit na lalaki na nadalaw sa restau minsan." What the-- Samahan ng mga tigang: Me:"Nagayuma ka yata nya baks?" Madalas na mag away ang mga yun dahil ayaw ni Shai manyak daw. Tapos ngayon ka date nya? Samahan ng mga tigang: Ches:"It's a big no Shai pervert yun paano kung may mangyari sayo bruha?🤨" Samahan ng mga tigang: Shai:"Date lang gaga maka react ka dyan." Samahan ng mga tigang: Ches:Still." Samahan ng mga tigang: Me:"Date lang sure ka?" Samahan ng mga tigang: Shai:"Hehehe ex ko na sya." Samahan ng mga tigang: Ches:"SHAILENE." Caps lock ba naman. Samahan ng mga tigang: Shai:"Isang linggo lang naging kami kasi i found out na he's a cheater and maniac. So i broke up with him. Ganun kadali.😎" tila proud nyang sabi. Haysst. Kailan ba ako masasanay sa babaeng to. For me ayoko muna mag bf kasi gusto ko yung magiging first bf ko ay sya na din yung maging asawa ko. Pero noon yun. I never told to my friends kung bakit ayoko muna mag boyfriend because it traumatized me i still remember how he slap me hard in front of his family. Kung paano nya ako pinagmura at pinag sasabihan ng masakit na salita. Kesyo ayaw ko daw magpahalik sakanya na nag papakipot pa ako. Kaya yung ginawa nya ay sinampal at sinabunutan nya ako sa harap ng mga magulang at kapatid nya. Ni isa sa mga magulang nya ay hindi sya inawat. Bagkus tiningnan nila ako ng may pagka disgusto. Natatandaan ko din noon na pinilit nya akong hinalikan at hubaran mabuti na lang at dumating yung kuya nya galing sa trabaho. Halos isang buwan akong nakatulala noon. Hindi din ako maka usap nila mama. Kaya tinandaan ko sa sarili ko na hindi ko na hahayaan na may manakit sa akin. My trauma change me alot. I became a woman na hindi inaasahan ng lahat. Lihim sa kaalaman ng magulang ko ay pinag bayad ko si james sa kasalanan nya sa akin. I cut his d**k. Kitang-kita ko pa noon ang pag mamakaawa sa mukha nya. Napakasarap sa pandinig ng mga sigaw nya na nahihirapan. Sa ngayon ay nasa mental hospital sya dahil nabaliw sya sa ginawa kong pananakot sa kanya. That day i found out that everyone has a dark side in their body even the angel and innocent one. An angel can be a demon if he/she wants to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD