Abala kaming lahat dahil oras na ng trabaho. Si Shailene ang taga kuha ng order at ako naman ang tagahatid. Sana ngayong araw payapa ang buong shift ko ayaw ko ng mapa away dahil lamang sa mga mayayaman na ang tingin sa sarili ay para bang sila ang may ari ng mundo at kayang-kaya nilang manipulahin ang mga kagaya naming mahihirap.
"Girl habaan mo yung pasensya mo ah binabalaan kita." wika ni Shailene habang inaabot ang order ng isang customer.
"Susubukan ko." wika ko at umalis
Bago ako maka alis ay binigyan nya ako ng nag babalang tingin.
"This is your order sir." nakangiting wika ko.
"Thank you miss."
What the.. Bakit sya nag thank you eh order nya yun. Parang tanga lang.
Bumalik uli ako sa loob para kunin ang next order. Nakakapagod oo pero kailangan ko itong gawin para sa future ni rein at sa future namin.
"Hayst nakakapagod." wika ni Shailene. Lunch time na kaya nandito kami sa dirty kitchen para kumain. Oras din ng pahinga namin ngayon.
"True nasisira na yung beauty ko." maarteng wika ni chesca
"Hoy Christian este chesca mas nakakapagod ang trabaho namin kaysa sayo no lakad kami ng lakad samantalang ikaw sarap buhay ka."
Cashier kasi sya. Kaya mas masarap ang buhay nya kaysa sa amin.
"Sinabi ko na sayo na Chesca ang pangalan ko bruha. nanggigigil na wika ni chesca
"Sorry naman bakla hindi ka naman mabiro eh." natatawang wika ni Shailene.
"Girl punta tayong mall mamaya ah kailangan ko na ng treatment sa mukha ko dahil nag mumukha na akong bruha at hagard kagaya ni Shailene." wika nito kaya nakakuha sya ng matalim na tingin mula kay Shai.
"Hoy bakla hindi ako mukhang bruha at hagard kagay mo." naiinis na sabi ni Shailene.
"Ikaw esha anong sikreto mo dahil fresh kapa din tingnan sa kabila ng lahat tingnan mo din yung mukha mo ang flawless mukahang mahihiya pang tumubo ang tigyawat sa mukha sa sobrang kinis." naka halumbaba nitong sabi.
"Oo nga baks ang daya." gatong ni shai.
"Safeguard lang yan." maikling wika ko.
Totoo yun wala akong ibang ginagamt kung hindi safeguard.
"Safeguard lang?!" sabay nilang wika
"Oo bakit?"
"Teh hindi mo kami mauuto kaya sabihin mo na h'wag kang madamot parang hindi kaibigan eh."
"Oo nga safeguard lang o kaya kung anong makita kong available na sabon sa banyo." simpleng sabi ko
"Bat ganon ang daya? Ako nga kung ano na yung nilalagay ko hindi parin ako kumikinis." problemadong wika nito
"Ches tanggapin mo na lang na hindi tayo kagaya ni Esha." wika naman ni Shai.
"Tigilan nyo nga yung drama nyo para kayong mga timang." wika ko
"So ano free kayo mamaya?" tanong ni ches
"Wala kaming pera baks." sabay na wika namin ni shai.
"Sa divisoria lang ang afford namin saka hindi ka mayaman may pa mall ka pang nalalaman." inis na wika ni Shai.
"Sinong nagsabi na mag babayad kayo libre ko."
Halos sabay kaming napa ubo ni shai dahil sa sinabi nya.
Sinapian ba to? O Kaya naman nakakain ng panis na pagkain.
Kaagad namang tinikman ni Shai yung pagkain nya.
"Wala namang lason." wika nya matapos tikman ang pagkain nya.
Sunod naman nyang ginawa ay hinawakan nya yung noo ni ches.
"Wala din namang lagnat baka namali lang ako ng dinig."
"Pinag gagagawa nyo?" nagtatakang wika ni ches
"Tama ba yung ding namin ni Esha mankilibre ka?" tanong ni shai
"Oo bakit?"
"Tara shai pamisa tayo." biro ko
"Bakit naman kayo papamisa?" tanong na naman nya
"Tara ngayon lang nangyari to ah." biro din ni shai
"Katapusan na ba ng mundo?" tanong ko
"Pinagsasasabi nyo?"
"Baks hindi kami makapaniwala na ililibre mo kami ngayon lang nangyari to."
"Oo nga once i a blue moon." natatawang wika ko
"Paano ko kayo ililibre eh palagi naman kayong busy." nagtatampong wika nito
"Ayan nagtatampo na suyuin mo." wika ko sabay siko ko sakanya
"Ayaw ko nga." parang batang wika nito
"Mag sorry kayo sa akin."
"Baks naman paano kami sasama sayo eh wala nga kaming pera saka divisoria at palengke lang ang afford namin." seryosong sabi ko
"Hayst hindi ba ninyo narinig libre ko."
"Saan ka naman kukuha ng pera aber?" nakataas na kilay na tanong ni shai
"Saan pa edi sa sugar grandlolo ko." pagmamalaki nito
"Oo nga pala nakalimutan ko mayaman pala kayo." sabi ni shai
Mayaman talaga si chesca kaya lang naglayas sya dahil gusto syang ipakasal sa ka partner ng pamilya nya sa business kaya naisipan nyang lumayas. Saka hindi naman sya tunay na lalaki para magpakasal kaya noong malaman ng mga magulang nya na bakla sya ay tinakwil sya ng mga ito. Kaya ayun nagta trabaho sya para kumita. Ang lolo at lola nya ay sinuportahan sya sa lahat ng gusto nya.
"Ayoko na maging mayaman girl napagtanto ko na maasaya maging isang simple at normal na tao wala kang problemang iniisip. Saka mag mula noong lumayas ako ay nagagawa ko na lahat ng gusto kagaya ng paghahanap ng mga fafa na may mga abs." Malanding wika nito
"Cge na nga pagkatapos ng shift namin."
Bumalik na kami sa kanya-kanya naming trabaho matapos ang break namin. Balik sa dating gawi.
May isang mayabang na naman ang gustong mauna. Feeling VIP ang puta.
Kalma esha kailangan mo ng maraming pasensya. Pasensya.
"This is your order sir." plastic kong sabi at ngumiti
"Bakit ang bagal alam mo ba na kanina pa ako naghihintay dito huh?!" galit nitong sabi
Kalma ka lang Esha kalma.
"Sir hindi lang po kayo ang customer dito kaya h'wag po kayong ag assume na uunahin ko po kayo."
"Don't you know customer always right?" nakangising sabi nito
"Don't you know how to read " First come First serve." i said i also emphasizes the wors First come First serve.
"Sino ka ba sa tingin mo isa kalamang waitress dito kaya kailangan mo akong paglingkuran." inis na sabi nito
"Kung gusto nyo po palang mabilisan na service sana sa cuisine kayo kumain at hindi sa restaurant mukhang afford mo naman." sarcastic na sabi ko
"Isa pa po hindi po kayo Vip at special guest dito kaya h'wag po kayong umasta na parang kayo ang may ari ng restaurant na ito." dagdag ko
Tumayo ito mula sa kinauupan nito at akmang sasampalin ako nito ay hinawakan ko ang kamay nya.
"Don't you dare touch my precious face." inis na sabi ko
"Sino ka ba sa tingin mo huh?!" inis na wika nito
I smirk and come closer to his ears and said something. "I am your worst nightmare sir."
"Do you think na matatakot mo ako? You're wrong woman." naka ngising sabi nito at inalis ang kamay nya sa pagkakahawak ko.
"I'm not scaring you sir i'm just stating facts." i said and smirk at him.
Akmang sasampalin nya ulit ako pero mabilis kong hinawakan ang kamay nya.
Sinubukan nyang mag pumiglas pero mas hinigpitan ko ang pagkakahawak sa kanya.
"Let go of your dirty hand on me." galit nyang sabi
Saka ko lang napansin halos lahat ng tao ay nakatingin sa amin.
"Why would i? You started it first im just playing your games sir."
Ginamit nya ang isang nyang kamay para alisin ang kamay ko.
"You're brave huh but accept the fact that you are weak."
Napahawak ako sa ulo ko ng bigla itong sumakit.
"You're brave huh but accept the fact that you are weak." sabi ng isang lalaki habang nakangisi na parang isang demonyo.
Kinuha nya naman ang pagkakataon para gumanti pero.
Bago pa man sya makaporma para saktan ako ay may isang kamay ang humawak sa kanya at sinapak ito. Kaya bumagsak sya sa sahig.
"C-ches?" gulat kong sabi
"Okay ka lang?"
"A-ayos lang ako."
Pero napahawak uli ako sa ulo ko ng sumakit uli ito. Naramadaman ko din na parang may tumulo mula sa ilong ko.
"Esha dumudugo yung ilong mo." natatarantang sabi ni shai.
"W-wala to normal lang to."
Binalik ko ang tingin kay ches.
"Don't you dare touch her with your dirty hands." galit na sabi ni ches
Ngayon ko lang sya nakitang magalit.
"C-ches ayos lang ako tama na."
Lumingon naman sya sa gawi namin. Napalitan ng pag aalala yung mukha nya noong makita nya yung dugo sa ilong ko. Mabilis syang lumapit sa akin.
"Huy girl ayos ka lang?"
Medyo nahihilo ako sa hindi ko malamang dahilan.
Naramdaman ko din na parang dumidilim ang paligid.
"Patay ako nito sa kanya tang ina naman kasi ang hilig mo sa gulo ako yung malalagot nito sa kanya eh."