BUSY AKO sa paglilibit sa buing bahay kung nasaan kami ngayon ni Duke. Lahat na yata ng sulok natignan ko na at nabusisi. "Hindi ka pa ba titigil sa kakaikot sa buong bahay?"pansin sakin ni Duke. Nakakunot naman ang noo ko na tinignan siya. Di ko naman pansin na kanina pa pala siya nakatitig sakin. Nakaupo lang siya sa sofa ngayon habang nakatitig sakin. Nang magtagpo ang aming mga mata inirapan ko siya na ikinangisi lang nito. Tumayo si Duke sa kinauupuan niya at lumapit sakin para hapitin ako sa aking bewang. "Ano bang hinahanap mo?"bulong nito sakin. "Damit"simple kong sagot. Dahil sa totoo lang sa ilang ulit kong pag-iikot wala akong nakitang kahit na anong damit kundi ang suot namin ng magpunta kami dito. Sa ngayon ang suot ko ay tshirt lang ni Duke bukod doon wala na. Samantal

