Chapter 8

1083 Words
Chapter Eight Tahimik ang buong byahe namin paalis sa Spade Company pauwi sa mansiyon ng mga Ivan. It is now 9 o'clock in the evening pero ang kaninang pagod at antok na nadarama ko ay nawala dahil sa nangyari kanina sa loob ng opisina niya. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng kotse, at halos nga buong katawan ko ay isiniksik ko sa gilid makaiwas lang sa kaniya. Narinig ko siyang tumikhim. "Take the other route gaya ng ininstruct ko sa’yo kanina." ani niya sa mababang boses sa kaniyang driver. Tang-ina naman may pupuntahan pa yata ang peste. Gigil kong ani sa aking utak as I secretly roll my eyes. Pero bigla ay napa-upo ako ng tuwid at napanganga ng maging pamilyar sa’kin ang daang tinatahak namin. Nagsimulang umusbong ang kaba, tuwa, at gulat sa sistema ko. Ang liko liko at mapunong daan. Ang mga simpleng kabahayan sa paligid. Ang mga kakaunting palayan na nadadaanan namin. Walang duda, amin ‘to. Ang lugar na kinalakihan ko. Ang lugar kong saan ako nanggaling. Nanlalaki ang mga mata na napabaling ako sa kaniya only to find na nakatingin na rin pala siya sa akin. Umigting ang panga niya at umiwas ng tingin. "A-ano… B-bakit tayo nandito? Iuuwi mo na ako?" may halong sabik sa tanong ko. Ano ‘to? Ibig sabihin ba nito susuko na siya? Tinatapos na niya ang lahat? Pananagutan na niya ang pagkamatay ni ate?  "No. " agaran niyang sagot na ikinabagsak ng mga balikat at ikina-inis ko. "Eh anong gagawin natin dito?" inis na sabi ko sa kaniya na hindi ko na lang sana ginawa dahil tinaliman niya ang pagkakatingin sa akin pagkatapos. "Just get some of your things, clothes, anything para may magamit ka na. I don't want to spend anymore cents for you. " suplado niyang ani, nang-uuyam. Napabuga ako ng hangin sa tinuran niya. Hindi ako lubusang makapaniwala! Jerk! In the first place sino ba ang may kasalanan nitong lahat? Diba siya? Hindi na ako nakapagbulyaw sa kaniya pabalik dahil natatanaw ko na ang mumunti naming bahay. Muli akong nagulat! Paano niya alam kung saan kami nakatira? Tsk. Oo nga naman. Si Zeus Ivan ‘tong kasama ko. Lahat alam. Lahat may koneksiyon. Lahat kontrolado niya. Sa dami ba naman ng men in black na pwede niyang utusan, o baka nga may spy pa ‘to.  Nang makababa kami sa magara niyang sasakyan ay mataman niyang tinitigan ang maliit na bahay sa harapan. Nanliit ako bigla. Matiim niya kayang umapak diyan? "Dito ka na lang muna ako na ang —" "I'm coming with you, slave." ani niya. Inayos niya ang necktie na suot at nakapamulsang naglakad diretso sa bahay namin. Nakanganga naman akong sinundan siya ng tingin at kung hindi niya pa ako nilingon ulit na nakakunot ang noo ay hindi pa ako gagalaw paalis sa aking pwesto. Sinenyas niya ang pintuan namin na noo'y naka lock pala. Umakyat ako sa dalawang baitang na hagdan ng kubo naming bahay at lumangitngit ang kawayang sahig ng mini terasa namin sa b****a ng mumunti naming tahanan. Yumuko ako sa doormat na nandoon at kinuha ang duplicate key ng pinto namin na nakatago doon. Tumunog ang chime sa taas ng pintuan ng mabuksan ko iyon. Gusto ko maiyak sa tuwa ng masilayan ko muli ang aming buong tahanan. Kung hindi lang sa langitngit na ingay ng mga yapak ng damuho kong kasama na paikot ikot sa bahay namin, nakatitig sa bawat sulok nito, ay hindi pa ako makakabalik mula sa masayang pag-iisip. Ngumuso ako sa nakikitang kyuryusidad sa bawat titig niya. Medyo cute kasi ang pagiging ignorante niya sa ganitong istilo ng pamumuhay. Nakita ko pa ang bahagyang pagnganga ng bibig niya kapag may nakikitang bago sa paningin niya, ang pagtaas ng kilay niya kapag may nahahawakang bagay na noon niya lang nahawakan, ang pagseryoso niya kahit noong makita ang mumunting lutuan sa kusina namin na ginagamitan lang ng kahoy. Natawa ako ng pasikreto sa sarili. "Kukuhain ko lang ang gamit ko at - ahh!" napaigik ako ng biglang kumulog at kumidlat kasabay ng pagkamatay ng ilaw sa paligid. Bigla bigla ay narinig namin ang malakas na ulan sa labas. Malas naman!  "f**k! Why the hell it suddenly rain!? Damn, I'll sue those forecasters on this." gigil niyang ani. Umikot ang mga mata ko sa tinuran niya. Sinisi ba naman ang taga hatid balita sa panahon sa biglaang pag-ulan ngayon. Nagbabalita lang sila pero hindi naman sila ‘yung kalikasan mismo. Parang tao lang din ‘yang panahon – moody. "Pwede ba? Kesa magmura ka diyan, tulungan mo na lang akong maghanap ng kandila or gasera." Ani ko nagsimula ng mangapa sa dilim. Narinig ko na ang mumunting langitngit sa yabag niya at ang mahihina niyang mura. Kumapa kapa ako sa paligid, tila nagpapatintero at sa inis ay napapamura na rin maging ako. Nang sa hindi inaasahan ay may nabungguan ako na nagmura ng malakas at pagkatapos ay natumba kasabay ko. Napunta ako sa taas ng kung anumang nabungguan ko. "f**k! What the hell." ani ng nabungguan ko at kinabahan ako dahil alam kong siya ‘yun. Naamoy ko kaagad ang mamahalin niyang pabango na nanuot sa ilong ko dahilan para hindi ako nakagalaw agad. Bigla ay kumidlat ng sobrang liwanag dahilan para mapa-igik ako at yumakap sa leeg niya, binaon ang sariling mukha sa kaniyang dibdib. Huli ko na natanto ang kahihiyan. Bumilis ang t***k ng puso ko sa hindi malamang dahilan at dahan dahang bumangon ngunit bigla ay inikot niya ang mga braso sa bewang ko dahilan ng pagkagulat ko. "A-anong ginagawa mo?" kabado kong ani ng tumayo siya bigla buhat buhat ako. Pina-ikot niya ang mga hita ko sa bewang niya at napakapit naman ako sa leeg niya. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa pang-upo ko. At alam ko kahit madilim, ay sobrang lapit ng mukha namin dahil ramdam ko ang pereho naming maiinit na hininga. "We'll look for a goddamn light like this. Baka magkabungguan ulit tayo." ani niya sa mababang boses. Nagsitayuan ang balahibo ko dahil naramdaman ko ang boses niya mismo sa tenga ko at ang mainit niyang hininga na tumama doon ay kumiliti sa buong katawan ko. Mas bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung sa kaba o kung sa anumang biglang nadarama. "Hey," nanlaki ang mata ko dahil naramdaman ko na ang hininga niya sa may labi ko. "…are you still there?" napalunok ako dahil tila kada banggit niya ng mga salita ay lumalapat ang labi niya sa akin, o baka pakiramdam ko lang iyon? "I…I'm –" hindi ko na natapos ang pagsasalita ng sa muling pagkidlat ay nakita ko ng malinaw ang mga mata niyang nakatitig sa labi ko at ganoon din ako. My heart never stop beating at that moment.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD