Chapter Thirty Seven "Nagbalik na ako Ate, Nay, Tay." masaya kong bati sa harapan nang puntod ng aking pamilya pagkalapag ko ng mga puting rosas sa kanikanilang lapida. "Pasensiya na kung iniwan ko kayo. Ngayon, masaya kong ibabalita sa inyo na ayos na ako." Nakarinig ako ng yabag nang paa mula sa aking likuran, kung kaya't nakangiti ko siyang nilingon. Bumuga muna siya ng usok mula sa hinihithit na sigarilyo bago iyon itinapon. A small smile escaped my lips ng lumapit siya sa lapida ni Ate at inilagay doon ang bitbit niya ring mga puting rosas. Humakbang ako patalikod para sana bigyan siya ng pribadong pag-uusap kay Ate, ngunit gayun na lang ang pagkagulat ko ng mabilis niya akong hinawakan sa kamay. "Dito ka lang sa tabi ko." direkta niyang saad habang nakatingin sa aking mga mata.

