Chapter Eighteen Days passed at ganoon pa rin ang naging pakikitungo sa akin ni Zeus. Nandoon pa rin na naninibago ako, kinakabahan, nagdududa, pero aaminin ko na napapamangha na niya ako. Sa bawat araw na wala siyang ibang ginagawa kundi iparating na napupusuan na niya ako, iyon din ang mga araw na masasabi ko na nahuhulog na rin ako sa kaniya. I'm falling in love with Zeus Ivan and never in my wildest dream I thought na mangyayari ito. "Hand me my files para sa meeting na ito, Laurel." ani nito na nakapagpabalik sa akin sa ulirat. Nasa kasagsagan pala kami ngayon ng meeting nito kasama ang kaniyang mga stockholders at gusto ko pukpukin ang ulo ko dahil natulala na naman ako sa aking sarili at mula sa malalim na pag-iisip. Tumikhim ako at ini-abot sa kaniya ang file na sinasabi niya. W

