Chapter Twenty Seven It's been two days after that day. Hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang sinabi ni Zeus sa tawag na pupuntahan niya ako. Honestly, I am secretly anticipating too. Namimiss ko na rin siya and somehow I want to feel him again. Pero, ako na nga ba? There are times that I still feel guilty for Ate dahil minamahal ko na ang taong mahal niya, pero wala na siya sa mundong ibabaw kaya mali pa rin nga ba na ako na buhay ay mahalin ang taong naiwan niya? No matter how you see it wala na ring ibang magagawa si Zeus kundi tanggapin na wala na si Ate at maghanap ng panibagong pag-ibig, hindi ba? So, hindi ba pwede na ako na lang? Na kami na lang? Si Zeus kaya ganoon din? Does he really see me as me right now at hindi na si Ate? Nakakatakot pero hindi naman masama na subukan, hi

