Chapter Twenty Nine I woke up early as usual kahit pa wala akong pasok sa trabaho ngayon. I was in dazed at natulala pa ng ilang minuto habang naka-upo sa higaan at ng naalala ang nangyari kagabi ay tila nagising ako sa ikalawang pagkakataon. Hinawakan ko ang aking labi at hindi ko maiwasang pag-initan ng pisngi. Naalala ko ang mainit at malambot na labi ni Zeus na nakadikit sa akin, it was so sweet like a candy from a candy store. I sigh heavily. Ano na ang mangyayari ngayon? Ngayong nandirito siya, may iba pa ba akong matatakasan sa aking nararamdaman? Umalis na ako sa higaan at inayos ang aking sarili. Napag-isipan ko na ipagluto agad ng agahan ang dalawa kong kasama ngayon sa apartment, kaso ng papaliko na ako sa may kusina ay agaran kong narinig ang mga boses nila. Napapreno ako mul

