Chapter Fourteen Dumagundong sa buong sulok ng kwarto kung nasaan kami ang malakas na sampal na ibinigay ko kay Zeus Ivan – kinaumagahan matapos ang nangyaring kamunduhan na namagitan sa aming dalawa kagabi. Puno ng luha ang galit kong mga mata na ngayon ay nakatingin sa kaniya. "Walang hiya ka Zeus Ivan. Walang hiya ka. I hate you!" puno ng galit na palatak ko sa kaniya. Hinawakan niya ang baba niya at mariin ang pagkakatitig na bumaling sa akin. He licked his lower lip bago ngumisi na talaga namang nakapagpasidhi pa sa galit ko. "Go on. Go and hate me all you want Laurel, until you can't hate anyone but only me. " "Ate…" nanginginig ang boses kong ani habang hinahawakan ng aking mga daliri ang lapida niyang napapaliguan ng mga bulaklak at kandila. Tinanaw ko ang dalawa pang lapida

