Chapter Twenty-One Hawak ang dalawang singsing kung saan naka encrave ang salitang "Mahal" na sa tingin ko ay tawagan nila ng ate ko, nasa daan na ako ngayon papunta sa selda ni Zeus. Three days passed gaya ng napag-usapan namin at ang dapat na pananabik na aking maramdaman ay napalitan ng pighati. Naghahalo ang sakit at galit sa sistema ko na ang iniisip ko noon na hustisya para sa pagkamatay ni ate ay tila ayaw ko ng isipin pa. "You'll like my apartment there in England. My friend is there at nasabihan ko na siya ng pagdating mo mamayang gabi." dinig kong ani ni Janus Ivan sa passenger seat habang maririnig naman ang paghugot ng hininga ni Juno na katabi ko sa backseat ng kotse. Napatingin ako sa labas ng sasakyan at hindi ko alam kung kailan ko ba huling naisip ang sarili kong kapaka

