Pagka labas ko sa kwarto ko ay nakasalubong ko si Avie na suot ang napili niyang damit kagabi. Napatingin naman siya saakin at nakita ko ang pagka-gulat sa mukha niya. Hindi niya siguro inaasahan ang susuotin ko. Napatawa nalang ako sa reaksyon niya. "Omg, sis. You look so pretty, kamukhang-kamukha mo si Mommy!" Hindi makapaniwala niyang sabi habang nakatingin saakin, I rolled my eyes at her. Pagkababa namin sa sala ay nagulat kami ng makita namin si Riguel at Ryl sa baba na naghihintay. Syempre itong si Avie ay hindi na mapakali at halos mapunit na ang mukha sa kakangiti. "Ang early nyo naman, and how did you know where yung house namin?" Avie asked the two of them. "Avie, they're the sons of Traspe's what do you expect?" Natatawang tanong ko, napa-oh nalang si Avie saakin. Nang maka

