Agad ko namang kinuha ang phone ko at si-net as lockscreen wallpaper ang natutulog niyang mukha at pinakita iyon sakanya, agad akong dumila. Anong akala niya siya lang may dahas?! Ako rin! "You can't diss me with that, I still look handsome though." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya, napatingin ako dun at tama naman siya, gwapo parin siya kahit natutulog. "Yeah, whatever." Sabi ko sabay irap. Nagulat ako ng bigla niya akong akbayan at tinapat ang camera sa harapan namin. "Smile, Evie...smile." Bulong niya. "No! Ayoko!" Inis kong saad at umiwas ng tingin sa camera. He chuckled. "Sayang naman para mapalitan ko narin ang home screen wallpaper ko." Pasimple niyang sabi, agad akong napatingin sakanya. "Bakit? Sino ba nasa home screen wallpaper mo?" I asked. Agad niyang pinakita saakin

