CHAPTER 49 Sorry Katahimikan ang naghahari sa loob ng sasakyan habang nagmamaneho si Isiah. May student license na kasi siya kaya naman siya na ang nagmamaneho ng sarili niyang sasakyan. Hindi na rin siya bata para ihatid sundo pa siya ng kanilang driver, kahit sa pag-drive lang ay magmukha naman siyang independent. Kasalukuyan niyang kasama si Madelyn na kanina pa tahimik. Hindi niya alam kung dapat niya bang kausapin o hindi. Pero sa tantiya niya ay ayaw kausap ng dalaga kaya nanatili na lang siyang tahimik kanina pa. Si Madelyn lang ang naiwan kaninang breaktime nila sa kanilang classroom, hindi naman kasi kaagad siya nakahiwalay kina Clarence dahil bigla na lang siyang hinatak ng kanyang mga kaibigan. Ang akala niya ay kasama nina Sheena si Madelyn pero nang makita niya ang grupo

