CHAPTER 45 (Part 2) Why Pagkatapos na pagkatapos na sabihin ni Michael o pagkatapos na pagkatapos niyang sinagot ang katanungan ni Madelyn ay umalingawngaw muli ang malakas na sampal na iginawad sa kanya ng dalaga. Hindi iyon ang sagot na gusto niyang marinig, tanging dalawang letra lang at isang salita ang gusto niyang marinig sa kanyang kaibigan pero hindi pa iyon ang sinagot ni Michael. Iyon lang na salita ang tatanggapin niyang sagot kaya naman hindi niya mapigilan ang ang kanyang kamay at dumapo ang kanyang palad sa pisngi ng kaibigan dahil sa sinagot nito. Hindi maganda ang sagot niya at lalong hindi maganda ang mga susunod na mangyayari dahil doon. Hinahabol ni Madelyn ang kanyang hininga dahil sa sama ng loob na nararamdaman niya sa kanyang kaibigan. Habang napasinghap naman an

