Chapter 25: Door (Part 1)

1090 Words
CHAPTER 25 (Part 1) Door Tinapos ni Nydia ang flag ceremony na mag-isa lang siya sa CR. Mabuti na lang at naririnig niya pa rin kahit papaano ang announcement kung saan siya tumambay. Ayaw na niya kasing bumalik sa linya dahil baka pagtawanan lang siya ng mga estudyante katulad kanina o 'di kaya naman ay husgahan siya. Tinanong niya na rin sa kanyang ka-chat kung saan ang room ng Class A pati na rin ang kanyang ate dahil alam niyang kabisado ng kanyang ate ang building ng senior high school. Hindi naman hinanap ng Class A si Nydia, ni hindi man lang sila na-curious kung saan siya napadpad. Nagpatuloy sila sa kanilang gawain kung ano ang normal nilang ginagawa t'wing flag ceremony. Kapag nagsimula na ang Pambansang Awit ay titigil na sila sa kanilang kwentuhan at tatayo na sila ng tuwid. Hanggang matapos ang flag ceremony ay tahimik sila dahil ayaw nilang magulo at maingya katulad ng mga ibang estudyante sa kabilang section na parang wala man manners dahil may nagsasalita sa harapan ay nagsasalita rin sila. Mas gugustuhin pa nga nila na pumunta sa principal's office si Nydia tiyaka siya magmakaawa na alisin siya sa section nila. Mas pabor pa sa kanila kapag ginawa niya iyon kaya hindi nila sinuway si Sacha kanina—tanging si Michael lang talaga ang sumuway sa dalaga. Pero mukhang hindi maisasakatapuran ang kanilang inaasam dahil nakita nila ang Principal na umakyat sa stage katulad ng nangyayari taon-taon ay wine-welcome ang mga freshies and transferees sa school. Kabisado naman nila ang student handbook kaya kahit hindi na nga sila makinig ay pwede na ang kaso nga lang ay ayaw nilang may hindi magandang record sa kanilang mga guro tiyaka respeto na lang din sa nagsasalita sa harapan. Nang matapos ang welcome speech at announcement ay bumalik na sila sa kanilang mga room. Kung ang ibang section ay nagulo ang kanilang linya habang papasok sila sa kanya-kanya nilang classroom ay tuwid na tuwid pa ang linya ng Class A kaya naman ang mga baguhan sa school ay nakatingin sa kanila na may halong pagkamangha. Taas noo silang naglakad at 'di na inalantana ang tingin galing sa iba't-ibang estudyante dahil sanay naman sila sa ganon, magtataka sila kapag hindi sila pinagtitinginan ng mga estudyante. Malalaman nilang kakaiba kapag hindi nila ramdam ang titig ng mga taong nakapaligid sa kanila. Pagpasok nila sa classroom ay kaagad silang nagkwentuhan, nilakasan naman ni Vanz ang aircon para 'di sila pagpawisan. Kakagaling lang nila sa labas at nag exercise din sila sa flag ceremony. Hinihintay na lamang nila ang magiging adviser nila ngayong taon. Si Gng. Erika Santos, bagong kasal pa lamang siya kaya bata-bata pa. Pwede na nga nilang maging barkada at hindi pa halata sa kanyang height at itsura, hindi siya nalalayo sa mga grade twelve student. Pag-akyat ni Nydia sa 4th floor ay nakasarado na ang pintuan. Hindi niya alam kung naka-lock 'yon, pero siguro ay hindi. Ang kaso nga lang ay wala siyang lakas ng loob para buksan iyon. Wala siyang lakas ng loob para iikot ang door knob dahil pagkabukas niya ng pinto alam niyang sa kanya mapupunta ang mata ng lahat. Hindi niya maiwasan na kabahan at malungkot sa kanyang sarili, kahit na alam niya kung bakit nakasarado ang pintuan dahil may aircon ang tao pero bakit naiisip niya na ayaw lang talaga siyang papasukin ng magiging kaklase niya. Naalala niya tuloy ang pag-uusap nila ng principal nang lumipat na siya sa paaralan na ito ay kaagad pinag-pauna ng punong guro ang rules nila na kahit ano pang dahilan ay hindi siya pwedeng mamili ng kanyang section, hindi siya pwedeng palipat. Kaya kahit na magmakaawa at lumuhod pa siya sa harapan ng punong-guro ay alam niya rin na hindi na magbabago ang isip ng principal at baka lalo lang niyang hindi ako pagbibigyan sa gusto ko kapag umiyak ako sa kanyang opisina. “Oh, anak? May hanap ka?” Halos mapatalon siya sa gulat. Naestatwa kasi ang kanyang katawan at nakatingin lang siya sa pintuan ng Class A. “A-ah wala po,” nahihiyang sambit ni Nydia. Hindi niya alam kung paano sasabihin sa kanyang guro na isa rin siyang student sa classroom na iyon ang kaso nga lang ay nahihiya siyang pumasok sa kanilang kwarto dahil baka katulad ng inaasahan niya ay ipahiya ulit siya ng Class A, katulad na lang ng nangyari sa flag ceremony. “Bakit ka nakatayo riyan?” malambing na tanong ng guro tiyaka siya lumapit kay Nydia dahil baka nahihiya niya lang sabihin kung anong kailangan niya. Bahagyang napaurong si Nydia dahil baka kung anong gawin sa kanya ng Ginang, hindi pa siya nakapag get-over sa ginawa pagpapahiya ni Sacha kanina. Feeling niya lahat ng mga tao na nandito sa school ay ipapahiya siya. “Ayos ka lang?” hindi maiwasan ng guro na kumunot ang noo at nag-aalalang boses dahil sa naging reaksyon ni Nydia. Hindi niya maiwasan magtaka na sa biglaang pag-urong niya nang sinabukan niyang lumapit. “A-ah opo,” nahihiyang sagot ni Nydia. Hindi naman niya inaasahan na ganon ang magiging reaksyon ng kanyang katawan. “Naliligaw ka ba?” bakas pa rin ang concern sa tono ng pagtatanong ng guro dahil halos wala ng estudyante sa hallway, tanging siya na lang ang nasa labas. Dinig na nga nila ang mga estudyante na nasa loob ng silid-aralan. “H-hindi po,” sagot niya dahil iyon naman ang totoo tiyaka siya napatingin sa pintuan ng magiging classroom niya sa buong academic year. Kinakabahan siya na baka paalisin lang siya ng kanyang mga kaklase kapag pumasok siya at kapag nangyari 'yon ay hindi na niya alam kung anong gagawin niya. “Bakit ka nandito?” tumahimik si Nydia sa tanong ng guro, mula sa pintuan ay binaba niya ang kanyang tingin sa kanyang sapatos dahil nahihiya siyang sabihin na ang section niya ay Class A. Pinagmasdan ng guro ang estudyante sa kanyang harapan. Tinitingnan niyang mabuti ang mga galaw nito tiyaka siya napatingin sa pinto na kanina niya tinitingnan. Umawang ang kanyang labi nang marealize niya na nahihiya lang pumasok ang estudyante sa kanyang harapan. “Class A ka ba?” pagtatanong ng guro kaya umangat ng tingin si Nydia. Muli siyang napatingin sa pinto na para bang ayaw na niyang pumasok don. Parang may nakalakip na disgrasya kapag pumasok siya roon. Pero tumango siya sa tanong ng guro dahil 'yon ang totoo. Ngumiti si Gng Santos tiyaka niya hinawakan ang kamay ni Nydia na kanyang pinaglalaruan dahil sa kaba. “Tara, pasok na tayo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD