CHAPTER 50 Claw Machine Tahimik lang na nagbabasa si Michael sa kanyang kwarto habang nakahiga siya sa kanyang kama. Matutulog na sana siya dahil napagod din siya ngayong araw sa eskwela lalo na’t ramdam niya pa rin ang tensyon sa kanilang dalawa ni Madelyn. Hindi niya rin maintindihan kung bakit ang tahimik bigla ni Madelyn, hindi naman siguro iyon dahil sa pag-aaway nilang dalawa o kaya naman ay hindi naman dahil iyon sa katanungan niya na hindi niya nasagot dahil sa biglaang pagsulpot ni Nydia. Kaya nagtataka din siya sa kilos ng dalaga ngayong araw, pakiramdam niya ay konektado iyon sa pag-aaway nila pero may pakiramdam din siya na mali. Ipinilig ni Michael ang kanyang ulo tiyaka niya muling tiningnan ang binabasa niyang libro para muling magbasa. Medyo nawala kasi ang pokus niya r

