Chapter 1: Invitation

2105 Words
Chapter 1 Invitation Pagkatapos na pagkatapos magbihis ni Cassandra ng plain white na blouse at isang denim shorts ay kinuha na niya ang kanyang camera. Naglagay muna siya ng light lipstick at powder bago niya tinutok sa mukha niya ang lens at nagsalita. “Hi guys! Welcome back to my channel!” Masayang sabi niya habang may towel pa sa kanyang ulo dahil kakatapos niya lang maligo. “Kakatapos ko lang maligo kaya naman wala pa akong kahit anong make up or lipstick o kahit powder pa iyan.” Pagsisinungaling niya sa camera. “Today, I have a task. So, you will join me accomplishing it!” Masaya ang pagkakasabi niya. Ang task na sinasabi niya ay ang pagbibigay ng invitation para sa mga kaklase niya noong senior high school dahil magkakaroon ng alumni home coming ang kanilang school sa Sabado. “Tiyak na magugulat kayo kung sino-sino ang mga friends ko dahil laman sila ng balita! Handa na ba kayo? Let's go!” Tinakpan na niya ang lens ng camera gamit ang kanyang kamay tiyaka niya finlip ang screen para isarado na ito. Nagchat si Cassandra sa group chat nila na pupuntahan niya sila kung saan man silang lupalop na naroon. Isa rin sa ipinagmamalaki ni Cassandra ay sobrang solid talaga ng section nila, once in a month they hang out together kahit na busy na sila sa iba't-ibang trabaho, they make sure to have time with each other. Solid nga kung sabihin ang section nila noong high school. Nasa section nila ang mga pinakamatalino sa kanilang batch, nasa strand na General Academic Strand ang tinaguran na star section noon. Halos maghakot sila ng mga awards t'wing may pa-contest. At kahit anong contest pa iyan, meron at meron ipambabato ang section nila. Flexible section. Isa pang tawag ng mga estudyante sa kanila. Dahil kaya nilang gawin na magkakasama kahit ano pa man ang pinapagawa sa kanila. Laman din sila ng dyaryo ng kanilang paaralan noon at mahigit kalahati sa kanila ay kasama sa journalism club ng school nila. Takot at nahihiyang pumasok ang ibang estudyante sa kanilang classroom dahil ayon sa kanila, nakaka-"intimidiate" makihalubilo sa section nila o kahit sa isang estudyante lang sa kanila. Samantalang, gustong-gusto naman sila ng mga guro dahil sa katalinuhan nila, sa mga talents nila at madali lang din silang turuan. Kahit na kakabigay lang ng gawain ay kaagad nila itong nagagawa sa loob lamang ng ilang segundo. At lahat sila ay may posisyon sa lahat ng club ng school nila. At hanggang ngayon ay parang wala man nagbago sa mga magkakaklase. Kahit na iba't-iba man silang kurso na kinuha noong college, kahit na sa iba't-ibang university sila pumasok ay hindi sila nawalan ng oras para sa isa't-isa. Lagi rin silang nagdadamayan sa t'wing may problema ang isa. Siguro ay dahil alam nila kung anong nangyari noong grade twelve sila na parang iyong pangyayari na iyon ang nagdikit-dikit sa kanila kahit saan pa man sila magpunta. Parang iyong nangyari noon ang nagsilbing glue sa kanila para hindi mawalay sa isa’t-isa kahit saan man silang bansa. Sumakay na si Cassandra sa kanyang sasakyan, una niyang pupuntahan si Antoniette na nasa planta niya ngayon sa Bataan. Nasa Bataan na rin sina Isaiah, Clarence at Calyx dahil may project silang magkakasama roon. “Bakit hindi mo na lang sinend sa messenger?” Tanong ni Antoniette habang tinitingnan ang invitation na may theme na black and gold. “Wala rin akong magawa today, tiyaka para may vlog na rin ako! Maisama ko naman kayo sa content ko no! Tara!” Niyaya ni Cassandra si Antoniette na sumali sa vlog niya. Tinour pa siya ni Antoniette sa factory nila kung paano nagagawa ang kanyang skin care products. “Layo-layo ng binyahe mo papunta rito ah? Ako lang pinunta mo? Ganon mo ba ako ka-miss?” Pagbibiro ni Antoniette. Tinigil niya muna ang ginagawa niya kanina para ma-itour si Cassandra at para na rin makapag-usap sila. “Gagi! Huwag kang assuming no!” Pambabara sa kanya ni Cassandra tiyaka tinago ang kanyang camera sa bag. “May project din dito sina Calyx, kasama niya sina Isaiah at Clarence.” Paliwanag niya sa kaibigan. “At sino iyong boyfriend mo na kumakalat?” Chismosang tanong ni Antoniette. Ngumisi si Cassandra pagkatapos ay sinukbit na niya ang bag niya sa kanyang balikat. “Guess it's time to say goodbye~” Mapaglarong sagot ng dalaga tiyaka niya tinalikuran ang kaibigan. Hindi na niya pa pinansin ang pagtawag pa sa kanya ni Antoniette at nagsimula ng lumabas. Sa Vista Mall Bataan, nag-decide na magkita-kita. Pagdating niya ay nandoon na kaagad sila sa starbucks, agad niyang kinuha ang camera niya para maisama sa video niya ang tatlo. “Pa-mine na lang po sa tatlo, single and successful. Just comment mine semento.” Sabay tutok ng camera niya kay Isaiah tiyaka lang ito ngumiti. “Hindi niyo na kailangan bumili ng semento sa bahay niyo dahil sagot na niya.” Pagtawa ni Cassandra. “Next in line, comment lang po ng mine pala para ma-mine niyo na si Engineer Calyx.” Tinutok niya naman ang camera ngayon kay Calyx na nahihiyang ngumiti sa camera. “And the last one, comment mine lapis para mapasa-inyo na si Architect Clarence.” Tinutok niya ang camera kay Clarence, ngumiti ito tiyaka mapaglarong pinakita sa camera ang lapis na hawak niya. Marami pang dinada si Cassandra sa camera pero binaba niya rin ito para maibigay niya sa tatlo ang invitation. Tiningnan ng tatlo iyon bago sila humigop sa mainit na kape. “Sipag mo today,” Komento ni Clarence habant tinitingnan pa rin ang invitation. “Hindi ka ganyan kasipag noon.” Pang-aasar ni Calyx tiyaka binitawan ang invitation. “Sinong hindi pupunta?” Pagtatanong ni Clarence kaya sinamaan siya ng tingin ni Cassandra. “Anong sinong hindi pupunta! Syempre pupunta lahat!!!” Sumenyas na tumahimik si Isaiah tiyaka nahihiyang tumingin sa paligid. “Hindi mo kailangan sumigaw.” Pagbabawal sa kanya ni Isaiah pero nag-make face lang siya. “Present dapat tayong lahat don no! Mahiya kayo kapag all present pa ang ibang section galing sa atin.” Pangaral ni Cassandra sa kanila. “Maintindihan naman nila, we are all successful. You know.” Mayabang na sabi ng isang boses kaya napatingin kaagad sa kanya si Cassandra. “Vanz!” Masayang bati sa kanya ni Cassandra. “Franz! Kyle!” Bati pa niya sa dalawa. Naupo ang tatlo, kaya pala malawak na mesa ang inupuan ng tatlo sa mesa niya. “We called them since they are here too.” Isaiah informed her. “Nangangampanya si Dad ngayon dito.” Pagpapaliwanag ni Vanz. “Sinamahan lang namin siya.” Franz explained too. “Alam mo na hindi naman kami napapahiwalay.” Kyle chuckled. Tymango-tango si Cassandra, gusto niya sana magjoke dahil sa sinabi ni Kyle pero mariin nilang pinag-usapan noon na bago sila maghiwa-hiwalay wala ng babanggit sa insidenteng iyon. Kinuha niya sa bag niya ang invitation ng tatlo tiyaka niya inanyayahan na makita sila sa kanyang vlog. Panigurado dadamu ang manonood ng video niya at marami panigurado ang kikitain niya sa isang video na ito. “By the way, we could just call Madelyn since she's in Thailand.” Pag-suggest pa niya. Kaagad naman siyang tiningnan ng mapang-asar na ngiti ng anim. “Hindi mo pa siya nililigawan?” Tanong ni Vanz. “We're not getting younger!” Dagdag ni Franz. “Look at me, I'm getting married!” Pagmamalaki pa niya sa sarili niya. “I already have a girlfriend.” Prenteng saad ni Kyle. “Hindi pa kayo magsesettle?” Tanong niya tiyaka tiningnan ang tatlong lalaki. “Pass muna.” Tatawang sabi ni Calyx. “Project muna.” Sagot naman ni Clarence. “Oh? Kumusta na kayo ni Madelyn? Siguro naman Isaiah may improvement na simula noong senior tayo? Baka nga since Junior tayo crush mo na iyan eh.” Mahabang lintanya ni Cassandra. Umiling lang si Isaiah. “She already have a boyfriend.” Natahimik ang anim sa sinabi niya. “Ha?!” Gulat na tanong ni Cassandra. “Pero wala naman siyang sinabi sa group chat namin?” Nagtatakang tanong niya. Pwera sa group chat nila bilang isang section ay may group chat din sila kung saan girls lang ang nandoon at meron din ang boys. “It should be a secret but she will announce it to our alumni homecoming. She will be with him” Tamad na sabi sa kanila ni Isaiah. “So, kaklase natin?” Vanz concluded. Napatango lang si Isaiah tiyaka humigop muna ng kape bago sumagot. “Classmate natin since grade seven pero nagtransfer siya noong grade twelve kaya hanggang grade eleven lang natin naging classmate.” Pagkuwento sa ni Isaiah sa mga kaibigan. "OMG OMG! I think I know him na!” Excited na sabi ni Cassandra. “Si Brandon?” Takang tanong ni Calyx. “Siya iyong nagtransfer sa ibang bansa diba?” Pagtatanong pa ni Clarence. “Yup! Yup! It's him!” Sabi pa ni Cassandra. “How come they've been together when you are always sweet to her?" Vanz asked, sounding mocking. Nagtataka lang si Vanz kung bakit sa t'wing may hang-out sila ay sweet si Isaiah sa dalaga pero may boyfriend na pala ito. “Stop it.” Tanging sabi na lang ni Isaiah dahil alam niya na talagang mapang-asar si Vanz. Hinabaan niya na lang ang pasensiya niya sa binata kahit na parang tinatapak-tapakan nito ang ego niya. “He's just sweet.” Pagtatanggol ni Calyx sa kanyang kaibigan. Silang dalawa ang magkaibigan eversince dahil na rin siguro magkaibigan ang pamilya nila. Tumawa naman sina Vanz na tila nang-aasar. Bahagyang hinampas ni Cassandra si Vanz para patigilin dahil mukhang wala na sa mood si Isaiah. “Huwag mong hinahampas ang anak ng Presidente.” Pagjojoke ni Ranz kay Cassandra. Cassandra just rolled her eyes, sanay na rin siya sa kapilyuhan ng tatlong magkakaibigan. “Let's just call her, shall we?” Pag-iiba na lang ng topic ni Cassandra. Baka kasi mag away-away pa sila sa coffee shop. Mahaba ang pasensiya ni Isaiah basta huwag lang idamay ang paghanga niya kay Madelyn. Sinubukan na niya kasi noong Junior pero tinawanan lang siya ni Madelyn at nag-iilusyon lang daw ito. Kaya magmula noon ay nanatili na lang silang magkaibigan. Simula rin noon, ayaw na ni Isaiah na asarin ang kanyang nararamdaman para kay Madelyn. Para sa kanya, magkaibigan na lang sila kahit na alam niya sa sarili niya na may puwang pa sa puso niya ang dalaga. Lalo na ngayong mayroon ng boyfriend si Madelyn. “Oh! Ang dami niyo ah? Mini reunion yan?” Tanong ni Madelyn, nasa screen siya ngayon ng laptop at nagsiksikan ang pito para makasama sila sa frame ng camera. “Congrats!” Sabay-sabay na wika ng pito kay Madelyn dahil sa panibagong store na nabuksan niya sa Thailand. Natawa lang si Madelyn tiyaka nagpasalamat sa mga kaibigan. “May pasabog din ako sa alumni homecoming! Tiyak magugulat kayo!” Excited na sabi ni Madelyn. Nagkunwari na lang ang pito na hindi nila alam iyon. “Siguraduhin mo lang na pupunta ka!” Panigurado ni Cassandra kay Madelyn kaagad naman sinigurado ng dalaga na makakapunta siya. Nagkaroon sila ng kaunting catch up pagkatapos ay umalis na si Cassandra dahil marami pa siyang pupuntahan. Iniwan na niya ang anim doon. Para pumunta kay Jefree, dito sa Bataan din kasi siya nadestino. Pagpasok niya sa simbahan ay kaagad niyang nakita ang kaibigan. Nakasalamin pa ito ng makapal at nang makita siya ay kaagad silang nagpalitan ng ngiti. Tumakbo si Cassandra palapit sa kanya. “Magbabawas ka ba ng kasalanan?” Pagbibiro sa kanya ni Jefree. “Hindi no! Magbibigay lang ng invitation.” Natawa si Jefree tiyaka niya tinanggap ang invitation. Alam naman niya na hindi Kristiyano si Cassandra dahil may lahi siyang hapon. Iyon na ang nakagisnan niyang relihiyon bago siya nakauwi sa Pilipinas noong high school. “Kaya mo bang i-deliver lahat iyan ngayong araw?” Tanong ni Jefree sa kaibigan niya. Napansin niya na marami pa siyang invitation na nasa kanyang bag. “Oo naman! Secretary ako ng section natin kaya yakang-yaka ko na iyan!” Pagyayabang ni Cassandra kay Jefree. “Trending ka last week ah? Totoo bang boyfriend mo si Jericho? Ikaw ah!” Pagbibiro ni Jefree sa kanya. Humagikgik si Cassandra tiyaka maarteng inayos ang buhok niya. “Bye, Father!” Pang-aasar niya ulit kagaya nang ginawa niya kanina kay Antoniette tiyaka siya lumabas ng simbahan. Sa buong araw na iyon ay sobrang pagod niya pero ayos lang naman dahil nadeliver niya naman lahat ng invitation. Samantala, siguradong-sigurafo naman ang lahat na makakapunta sila dahil gusto rin nilang ipakita sa ibang section na solid pa rin ang kanilang section kahit ang dami ng nangyari sa buhay nila maging sa mundo. Pero may isa sa kanila ang napangisi habang pinagmamasdan ang itim na invitation. “Saktong-sakto ang itim para sa itim niyong budhi. Mga wala talaga kayong konsensya.” Ang wika nito pagkatapos ay may tinawagan. “Natanggap mo na ba?” Tanong niya sa kabilang linya. “Oo.” Sagot nito. “Makikita ulit natin ang mga kaklaseng demonyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD