MACKENZIE'S POV: NAPAILING ako na bumaba na ng kotse ko na makumpirmang si Harris nga ito. Sumandal naman siya sa kanyang bigbike ducati na nangingiting nakamata sa akin. Nagtungo ako sa harapan ng kotse ko. I lean on the hood of my car. Walang emosyon ang mga mata kong tumitig dito at baka maglaho siya sa paningin ko. Damn. It's been two months since the last time that I saw him. Ni hindi ko na siya nakausap pa kaya sobrang namis ko din siya. Nakakainis. Ang sabi ko, ayoko na. Aawayin ko siya kapag nagkita ulit kami. Pero heto at dama ko sa puso ko ang tuwa na nagpakita na rin ito sa wakas! Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko na may hawa na caliber. Itinutok sa kanya ang baril ko. Pero kitang hindi naman siya natatakot sa akin. Nagagawa pa ngang ngumiti. "Hello, honey. Are you h

