MACKENZIE'S POV: HABANG kumakain kaming dalawa ng agahan, nakatulala ako na iniisip si Miguel. Kaya naman pala mainit ang dugo ko sa kanya at hindi komportable kapag nasa paligid siya. Iyon pala, kabilang siya sa mga kalaban ko na nais akong patumbahin. Hindi na nga ako magtataka na ini-frame-up niya si Nolan noon para maging masama ito sa paningin ko. And he won. Nagtagumpay siyang masira si Nolan sa akin. Ngayon ay unti-unti nang nabigyan linaw ang lahat sa akin. Kung bakit ‘boss Nolan’ ang itinawag ng dalawang lalake na nakatakas noon sa hacienda nang pagtangkaan akong patayin. Hindi nila ako balak patayin. Kundi ang plano nila ay para iparinig sa akin na boss nila si Nolan at inutusan sila ni Nolan para patayin ako. Para magkasira kaming dalawa. Maging ang pagsabi ni Miguel sa akin

