MACKENZIE'S POV: LUMIPAS ang mga araw na namamalagi na si Nolan sa mansion. Kung nasaan ako, nandoon din ito. Kahit nga sa tuwing pupunta ako sa headquarters namin ay sumasama ito. As usual, nakasuot ako ng maskara para maitago ang mukha ko. Si Nolan lang naman ang nakakaalam ng totoong mukha ko e. At nirerespeto niya ako sa pagsusuot ko no'n dahil dito ko napoprotektahan ang totoong katauhan ko. “Athena, get ready yourself. Ikaw ang isasama ko mamaya sa shipment ng mga baril na ibebenta natin mula sa kliyente natin from Europe,” aniko sa tauhan kong ngumiti na yumuko sa akin. “Opo, queen.” Magalang nitong sagot. “Honey, isasama mo naman ako, ‘di ba?” bulong ni Nolan na nasa tabi ko. Nandidito kasi kami sa opisina ko sa headquarters namin. Dinalaw ang mga tauhan ko at mga ginagawa

